Monday, August 16, 2021

BAKUNADO PROTEKTADO

BAKUNADO PROTECTADO



Ishare ko lang itong journey ko para makapag pa vaccine. Nilaban ko tlaga ito at pinila ng mahigit 8 oras. (1st at 2nd dose)

Sa panahon ngayon, iba na talaga ang protektado. Kung may available na vaccine sa lugar nyo, i grab na ninyo. Hwag na yung may inaantay kang certain brand para makapagpabakuna. Sobrang aggresive ng virus ngayon. 

Nang nagpalista kase ako sa brgy, at may nasabihan akong mangilan ngilang tao. Aba, sinendan ako ng mga video kung saan, mga may side effect daw yung vaccine or kung ano pa man. Desidido na akong magpa vaccine at syempre additional defense yan ng katawan naten laban sa virus.

Personal choice at walang pilitan. Pero maging responsable tayo sa lahat ng desisyon naten.

Mga dapat gawin bago at pagkatapos magpavaccine:
◾ Matulog ng maaga. Atleast maka 8 hours ka ng tulog.
◾ Iwasan muna ang mga bisyo. Alak or sigarilyo.
◾ Mag vitamins. Palakasin naten ang ating katawan
◾ Positive thinking.
◾ Social media break. Marami kaseng negative thought ang lahat. 


🟪🟪🟪 1ST DOSE 🟪🟪🟪
🗓🗓🗓 DATE - July 5, 2021
📍📍📍 LOCATION - Oreta Sports Complex Malabon City

-- eto yung journey ko sa 1st dose ko

▶▶▶ 5 hours para lang makapag vaccine. Ganun katagal.

8am nakapila na kame sa labas, tapos 10:30am dun plang kame nakapasok sa sports complex. Mind you, 8am daw ang vaccination pero 9:30am ndi pa dumadating mga delegate.🤣

Sobrang bagal ng pila, sa registration palang super bagal na. Naabutan pa kame ng lunch break, so kain muna sila. Tapos yung mga nag oorganize hindi nila alam ang gagawin! Litong lito sa buhay. Nahalo kase ung mga may text message tsaka yung mga nagparegister from brgy.

Highblood pa ako. Ewan ko ba, kinabahan ba ako? 160/100 ako. Alam ng utak ko na kalmado ako, pero hindi kaya ng katawan ko.

Tapos ayun, consultation from the doctors. If may sakit kaba, last menstruation period, at kung ano ano pa. Tapos pila ulet para sa mismong vaccination. Nasa dulo kame syempre, pero sinuwerte lng, ng tinawag kame agad. Napaibabaw ata yung mga papel namen.

Tapos ayun, na vaccine na kame. Tapos sa recovery area na kame. Then ibbp ulet. Bumaba naging 140/100. 

Paglabas namen, lakas ng hangin tapos umuulan pa. Dami ring nakapila sa labas. Mabagal talaga ung proccessing nila eee. Magkakasakit ka sa ulan at kakapila.

Pero worth naman kase nakapag pa vaccine na din ng 1st dose.


🟪🟪🟪 2ND DOSE 🟪🟪🟪
🗓🗓🗓 DATE - July 27, 2021
📍📍📍 LOCATION - Oreta Sports Complex Malabon City

-- eto yung journey ko sa 2nd dose ko

▶▶▶Halos parehas lang din ng 1st dose journey ko. But this time, alas 9 kame nagpunta sa site.

Ang haba ng pila, at hindi umaandar yung pila. Umuulan pa ng mga panahon na yon.

Mga 11 kame nakapasok sa complex. Pag dating sa loob, pila ulet. Pila para sa registration, pila para sa bp, assessment at vaccination mismo. Sankaterbang pila. 

Yung BP ko 140/100. Mas maayos kumpara sa 1st dose ko.

Pagkatapos ng mga 4 1/2 na oras na pila, fully vaccinated na ako. 

Subrang worth ang pinila ko. 

___________________

Check mo din ang mga link na ito. Baka makatulong.

PROTEKTAHAN ANG SARILI.

______________________________________
HZLNUTZS
Aug. 16, 2021




No comments:

Post a Comment

ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...