- 02/29/2020
Mabilis lang ito. Walang paligoy ligoy, walang arte. Straight to the point. Opinyon ko lang ito at base sa personal experience ko.
Paliwanag ko lang. Ganto kase yon, nagleave ako ng Friday - 02/28/2020. Ang tour talaga namen talaga is BICOL. Pero Thursday, naginform yung orga na wala pang 10 yung nag confirm para sa tour. Sayang naman yung nileave ko. So hanap kame ng other options para masulet naman yung VL. Tsaka wala pa akong gala for the month of FEBRUARY. So kailangan mapush talaga ito.
Ito yung mga option na naisip namen ni Mamsh.
Option 1 - Ilocos
Option 2 - Mt. Pinatubo
Pero ekis na yung sa Ilocos, kase madalas ako dun. Parang naka 4-5 na beses na ako bumisita dun, malapit na ata akong maging residente dun. Charoot. So yung naisip namen, is Pinatubo. Pero ito kase, dapat sa April pa namen itotour ito. Para sa birthmonth ko. Pero out of option na kame, dahil Thursday na at wala pa kameng nakikita.
Maraming travel tour naman ang ooffer nito. So careful nalang na hwag kayung maiscam. Yung nakita ko is sabado ng gabi ang alis - 02/29/2020. Tsaka yung travel tour na un is super nice kase ang hands on ng organizer at ang cool ng coor nya -- from our last tour, sa kanila kame sumama. Yung sa Mt. Kupapey at Mt. Fato.
Pero yung nahanap ni Mamsh ang alis ay Friday - 02/28/2020. Para makapasok pa daw siya sa ofiz ng sunday. Tsaka mas mababa ung inoofer samen. Parang seat sale price na siguro. Una kong tinanong if may pa BAG TAG sila. Wala daw. :(
Eto naman yung mga usually na tanong kapag iaavail or while on tour mismo:
- Magkano ang tour -- Yung naavail namen is 2250 pesos. Naka seat sale siguro. Pero ang usual na offer is 2500.
- Worth it ba na gumastos ng 2k+ para sa day tour -- depende kung gano ka kahigpit sa pera. For me, worth it naman. Kase while on tour malalaman mo bakit ang mahal niya.
- Sinong orga nyo -- PM nyo ako sa IG --- instagram.com/hzlnutzs ----- Kase hindi naman ako connected sa kanila para ipromote or what. This is not a paid advertisement ika nga. :) Tsaka kung after kayo sa bagtag - ike me. Syempre ibigay ko yung option na may pa bagtag and at the same time eh alam ko na pano sila humawak ng tao.
- Nakakahilo ba yung 4x4 na ride -- depende pa din yan sayo. Pero I suggest take Anti-hilo meds para safe ka and ung mga kasama mo sa ride. Baka masukahan mo pa sila ee.
- Maganda pa ung pinuntahan nyo -- Opkors.! Napakaganda nya. Para siyang sleeping giant, or nasa loob ang kulo. Sobrang magestic na napakahusay ng pagkakagawa!
Eto na naman ang personal suggestion ko if iaavail nyo yung tour:
- BE ON TIME - for fuck sake. kung alas dos ng madaling araw ang meet up time. Be on time. Hindi mo binayaran ang buong tour para mag-antay sayo. Naglaan ng oras lahat ng tao para sa tour na yan, hwag kang magpaimportante. Tsaka perks na din ung on time ka or eraly bird ka is yung makahanap ka ng magandang upuan. Specially sa mga tour na walang seating arrangement.
- PACK LIGHT - eto, natutunan ko na din ito sa wakas. Pag naglalaboy kase ako, halos bitbit ko yung buong buhay ko. Hindi dapat ganun, dalhin mo lang ung kailangan mo. Kung day tour kayo, hwag pang 3d1n ang dalhin mo. Tsaka yung van is maliit para sa mga extra baggage mo. Tsaka para rin naman yan sayo, TRAVEL LIGHT IS THE KEY. Iwan mo na lahat ng pabigat sa buhay mo, yung mga hindi mo na kailangan iwan na yan. Ikaw naman ang mag iwan, hindi yung ikaw parati ang iniiwan! Ang sheket! #Hugot101
- SUNSCREEN PROTECTION - magdala ka nito! kase walang masyadong shades sa pupuntahan mo. Protektahan mo din yung balat mo. SKIN CANCER is waving. Magdala ka ng mga lotion na may mataas ng SPF. Proteksyon from UVA, UVB and UVC. ...[break] KONTING KAALAMANAN ---->>> UVA rays have the longest wavelengths, followed by UVB, and UVC rays which have the shortest wavelengths. While UVA and UVB rays are transmitted through the atmosphere, all UVC and some UVB rays are absorbed by the Earth's ozone layer. So, most of the UV rays you come in contact with are UVA with a small amount of UVB. .... [continuation].. antayin mo yung mga sale sa favorite store ng bayan --- WATSON. Para makabili ng mga lotions. Tsaka gumamit ka ng armsleeves, armarmor or mag longsleeves ka nalang. Sobrang init dahil nga sa walang puno puno. Hubadin mo nalang kung magpapapicture ka, para maganda ka pa din pero protektado pa rin ang balat mo. Unahin mo namang mahalin ang sarili mo bago ang iba! #Hugot101
- DRINK YOUR WATER BITCH - sabi nga ni atimooo Mimiyuuh. Hydrate your self din. Hindi ka puro softdrinks or kung ano pa man. Ibestfriend mo ang self mo sa tubig. Tsaka dahil exposed ka sa init, nagtreking ka pa. yung tubig mo sa loob ng katawan mo eeh nawawala. Palitan mo din. 1L or more. Tapos magdala ka din ng energy drink. Para sobrang replenish mo from the inside.
- ATTITUDE - hwag kang AteChona! Pareparehas lang kayung nagbayad sa tour. Hindi mo nabili yung buong tour, ung van, yung coor or tour guide or kung ano/sino pa man. Be friendly din. Kung hindi mo nakuha ung upuan na gusto mo, dahil late kang dumating, wag kang mag inaso. Gusto mo ng maganda upuan, agahan mo. Kaya suggestion ko talaga sa mga tour organizer eh may seating arrangement!
- GADGETS - invest tayo sa magandang gadgets. Para may maganda tayong pang DP or pang myday. Tsaka iba ung feeling kapag may shot kang ubod ng ganda - lakas makaproud. Tapos konting enhance lang para IG wothy na siya. Snapseed usually gamit ko or Lightroom. Depende san ka sanay. Tapos lipat mo sa HD mo yung pictures and videos mo.
WEEKEND namen nakuha yung tour. Sobrang daeng tao. Dahil biglang boom ang pagtatravel sa PINAS. 6 vans na kame sa isang orga. Pano pa sa ibang orga. Meron naman atang nag ooffer ng weekend. Mas mahal lang ata yun.
Eto yung sample ITI nila:
Pick up point: Mcdo Centris
Itinerary:
2:00am - pick up mcdo Centris
2:15am - ETD to capas tarlac
4:30am -ETA to jump off ----- Mt. Pinatubo Tour Camp Site
5:00am - 5:45am registration/briefing
6:00am - 7:30am 4x4 rides
7:30am -8:30am trek to crater.
8:30am - 11:00am Mt.Pinatubo crater, lunch, pic taking , free time
11:00am -12:00nn - descend from crater
12:00nn -1:30pm - onboard to 4x4 back to jump off
1:30pm - 2:00pm - rest, wash up
2:00pm onwards ETD from Sta. Juliana back to manila.
Message nyo ako sa IG para mabilis kong masagot if gusto nyong malaman sinong orga nito. :) madalang ko lang kaseng maiopen ito. instagram.com/hzlnutzs
KEMBOWT DETAILS:
Umalis ako ng 12:00 am sa bahay namen. mga 12:45 nasa MCDO Quezon Ave na ako. Maling Pick up point. Buti maaga din umalis si Mamsh at nakarating dun. So nakakuha siya ng magandang upuan. Ako kase tatawid pa ako at maglalakad ng napakalayo ee.
May gustong kumuha ng upuan namen, Since walang seating arrangement si orga. 1st come 1st serve basis sila. May nag attitude na girl. Pero dedma lang kame, kase sino nga ba siya? AteChona din pala kame! Hahaha. Alas dos dapat kompleto na, para mas maagang makaalis. Pero yung isang joiner kala mo nakabili ng oras namen. Panay 5 minutes nalang po, dumating siya ng 2:45am. Late ka ghorrl?
Ang bilis lang ng ride. Hindi namen namalayan, nasa stop over na kame. Siguro mga 3:45am un. Kain konti, tapos C.R din. Tapos yung iba yosi muna. Mga 4:15-4:30 siguro, byahe na ulet pa Capas Tarlac. mga isang oras siguro - hindi ko sure at antok na antok ako. Nakarating na kame dun sa Tarlac. Tapos ayon, may check point, para sa body temp. Baka kase may virus ang isa samen!
Pagdating sa jump off -- pahinga konti. Kape, kain yung iba. Prep na din para sa tour. Magdala ka ng isa pang bag. Kumbaga - meron kang primary bag kung saan nandun ung buong buhay mo. Pero magdala ka din ng secondary bag - para naman kapag umakyat kana. Para naman maenjoy mo yung buong tour nyo. Tapos ang dalhin mo lang dun is ung mga needed. Like water, energy drink, trail food, lunch, sunscreen, sleeves. Gadgets. Basta yung magaan lang dapat.
Registration time - bilisan nyo parati. Para makapag register kayo agad. Kase bubuhos yung mga tao. Bring valid ID parati. So ayun, nagregister nagpirma ng waiver. Tapos balik ulet sa Jump off para mag antay sa 4x4. Konti picture after. Tapos ayun, papakilala na sa inyo yung tour guide nyo. and igugroup kayo sa lima para sa ride. Bali si kuyang driver, si kuyang Jon - ang aming tour guide and 5 joiner na magiging bestfriend mo ng ilang sandali.
Isang oras ung 4x4 ride namen. Pero mga 30 minutes palang, nag stop kame. Para sa picture picture. Basta malapit sa Aeta Community. Yung pinashootingan nila Daniel P and Kath B. Yun na un. Tapos byahe ulet. Hindi naman nakakahilo yung sa byahe. Siguro dahil nakapag monster tour na ako sa ABRA. Kaya parang wala lang. Eheheeheheh.
Tapos trekking na papuntang Crater. Mga isang oras din siguro. Pero promise, walang hingal, walang pagod. 2/9 lang naman ang difficulty nya.
Sobrang daeng tao, ang hirap makakuha ng shot na gusto mo. Dahil meron talagang wagas magpapicture. Hindi na nakonsidera yung ibang magpapapicture din. So mag A-AteChona na ang lahat. Ikaw na nag aantay, sila na wagas magpapicture. Tapos kapag ikaw na mga papapicture, tatagalan mo na din kase hindi mo makuha yung shot na gusto mo. So ateChona ka naman, tpos yung nag aantay sayu mag a-AteChona na din. Mga AteChona ng taon.
Bumaba kame dun sa pinaka crater lake. Ang Steep ng hagdan, paslope pa. Kaya dapat dahan dahan lang pagbaba.
...[break]...
Ooh, dahan-dahan lang
Dahan-dahan lang
Dahan-dahan lang
Ooh, dahan lang
Dahan-dahan lang
Masakit man aminin 'di maalis sa isipan
Ang halik na galing langit sa labi mong pinagmulan
Dahan-dahan lang
-- #Dahan Dahan By Maja Salvador.
----[cont...] Yung mga nakakasalubong namen na paakyat. Parang pagod na pagod. Daing sinasabi, dinidiscourage pa kame bumaba. Pagbaba namen dun, punta kame sa lake. pede naman daw hawakan yung tubig. Hwag lang inumin, kung ubos na yung tubig mo. ahahahhaa. So napagod na kameng magpicture taking, akyat na kame para makapg lunch na. Eto na pala yun, kaya pala parang pagod na pagod yung mga nakasalubong namen kanina. Sobrang haggard paakyat! ahahahah. Kainis.
Tapos kain na ng lunch. May mga nagtitinda naman dun ee. Pero yung sa orga namen, nag ooffer din sila ng lunch. So bahala kna, or pede ka naman magbaon nalang. Ako burger lang parati binbili ko! ahahhaa. Pahinga konti tpos lakad na pababa. Sobrang init na. mga 10 siguro bumaba na kame. mga 1 hour siguro. Sobrang init. Kaya need ng sleeves, cap, water. Tapos yung mga batang Aeta sobrang friendly sa mga ngatotour. Babatiin ka pa nila. Basta ang cute.
1 hour ride din pabalik sa jumpoff. Exhausted na sa init. kaya kahit sobrang bumpy ng ride, nakaidlip ang iba samen. So pagdating sa jumpoff, wag ng mag inarte. Mag girlscout and mghanap na ng pwesto para makapag linis. Paunahan talaga ang labanan dito eee. So nangunguna na naman kame ni Mamsh. Tapos lunch, din. Ayos ng gamit tapos inantay na din matapos maglinis yung mga kasama namen sa tour. Tapos byahe na pa NCR. mga alas dos ata kame umalis ng Capas Tarlac, pero mga 4:00 pm naglalakad na ako pa SM North. Ang bilis. Ang bilis ng pangyayari. Kaya napaisip din ako eee. Worth it ba na gumastos ng mahigit 2 libo para sa day tour.
Sabi nga ng iba - YOLO. You Only Live Once. Kaya ileave mo na lahat ng doubt mo. Minsan ka lang naman gagastos ng ganyan para sa tour. Narelax kapa pati ng yung mind and soul mo! Tsaka Travel while you can!
ALAM NYO BA ANG ANG PINATUBO ..........
Mount Pinatubo (Sambal: Bakil nin Pinatobo; Kapampangan: Bunduk/Bulkan ning Pinatubu, Bunduk ning Apu Malyari; Pangasinan: Palandey/Bulkan na Pinatubu; Ilocano: Bantay Pinatubo; Tagalog: Bundok/Bulkang Pinatubo IPA: [pinɐtubɔ]) is an active stratovolcano in the Zambales Mountains, located on the tripoint boundary of the Philippine provinces of Zambales, Tarlac and Pampanga, all in Central Luzon on the northern island of Luzon. Its eruptive history was unknown to most before the pre-eruption volcanic activities of 1991, just before June. Pinatubo was heavily eroded, inconspicuous and obscured from view. It was covered with dense forests which supported a population of several thousand indigenous Aetas.
Pinatubo is most notorious for its VEI-6 eruption on June 15, 1991, the second-largest terrestrial eruption of the 20th century after the 1912 eruption of Novarupta in Alaska. Complicating the eruption was the arrival of Typhoon Yunya, bringing a lethal mix of ash and rain to towns and cities surrounding the volcano. Predictions at the onset of the climactic eruption led to the evacuation of tens of thousands of people from the surrounding areas, saving many lives. Surrounding areas were severely damaged by pyroclastic surges, pyroclastic falls, and subsequently, by the flooding lahars caused by rainwater re-mobilizing earlier volcanic deposits. This caused extensive destruction to infrastructure and changed river systems for years after the eruption. Minor dome-forming eruptions inside the caldera continued from 1992 to 1993.
The effects of the 1991 eruption were felt worldwide. It ejected roughly 10,000,000,000 tonnes (1.1×1010 short tons) or 10 km3 (2.4 cu mi) of magma, and 20,000,000 tonnes (22,000,000 short tons) of SO
2, bringing vast quantities of minerals and toxic metals to the surface environment. It injected more particulate into the stratosphere than any eruption since Krakatoa in 1883. Over the following months, the aerosols formed a global layer of sulfuric acid haze. Global temperatures dropped by about 0.5 °C (0.9 °F) in the years 1991–93, and ozone depletion temporarily saw a substantial increase.
Basahin nyo na lang ng buo yung sa wiki -- para well informed us. :)
SOURCE: https://en.wikipedia.org/wiki/Mount_Pinatubo
Check my IG for more photos and videos ----->>>>>>>
No comments:
Post a Comment