Friday, October 25, 2024

ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN

10/25/2024


PAALALA:

  • Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na ang mag desisyon at humusga.
  • Babala: Masakit sa puso.


Mga Karakter:

MB - Matandang Babae

ML - Matandang Lalaki

1B - Unang Babae

2B - Pangawalang Babae

3B - Pangatlong Babae

4B - Pangapat na Babae

BB - Batang Babae



 ANG NAWAWALANG SAINGAN

           Lunes ng umaga. Umalis ang matandang babae at nagtungo sa doctor. Ilang araw na din sumasakit ang kanyang tagiliran, ngunit hindi siya makatignan gawa ng madaming gawaing bahay at sya ay laging tumatao sa tindahan. Sinabay nya ang kanyang pag-alis sa pag-alis ng matandang lalaki. Sinarado nya muna ang tindahan.

            Ang matandang lalaki ay nagtungo naman sa Divisoria para bumili ng mga ibebenra sa tindahan. Naiwan ang pangalawang babae sa bahay ay siya ay papasok pa sa trabaho.

            Dumating na ng bahay ang ML. Naabutan nyang sarado ang tindahan sapagkat nasa doctor pa rin ang MB. Mahaba ang pila sa doctor, para magpakunsulta at magpa laboratory. Mainit ang kanyang ulo. Mag aala una na rin halos nakauwi ang MB.

            Pagkauwi naman nya, ay dali dali nyang inayos ang tindahan. Sinalansan nya ang mga pinamili ng ML. Hindi nagustuhan ni ML ang pag-alis ni MB. Nag gagalait sya sa galit. Hindi nya kayang itago ang nararamdaman nyang galit.

            Habang kumakain si ML ay walang tigil ang kanyang bibig sa kakasalita at kakasumbat ng kung ano anong bagay kay MB. Magnanakaw daw si MB at kumukuha ng pera sa tindahan para ipang doctor. Kesyo sya daw, kahit anong masakit sa kanya ay never nagtungo sa doctor.

            Sumasagot si MB sa mga paratang ni ML. Sinabi nya na sobrang masakit na ang kanyang tagiliran kaya nagpunta na sya sa doctor. Sinabi nya din na hindi sya nagnanakaw ng pera, at ang pinangbabayad nya sa doctor ay mula sa bigay ng mga anak nila. Hindi naniniwala si ML sa mga sinasabi ni MB. Patuloy din ang kanilang bangayan. 

            Hinagis ni ML ang dalawang tubigan kay MB. Mabuti walang laman na tubig ang tubigan at hindi natamaan ang babae. Hinagis din nya ang gamit na kobyertos. Hindi maawat ang bibig ng lalaki. Nakailang beses din itong tumayo sa upuan at gustong sugurin ang babae. Kitang kita ang galit ng lalaki at gustong manakit. 

            Sya raw ay pagod na pagod mula sa pamimili sa Divisoria at pag-uwi nya ay wala man lang daw ulam. Subalit hindi na naman sila nagluluto ng ulam muna noon. Bumibili na lang sila ng ulam sa labas.

            Hindi rin nagpaawat ang babae at kanyang pinagtanggol ang kanyang sarili. Dumating ang pangalawang babae upang awatin ang ML. Ngunit siya at pinagbantaan na sasaktan din if makikialam. 

            Inawat na lang ni 2B ang MB para matigil na. At laman na naman sila ng tsismis ng brgy. Makalipas ang ilang minuto ay pumanik na din ang MB. 

            

            Martes. Wala na ang saingan. Walang makapagsabi nasan na ang saingan. Kaya ang nangyari ay bumili na lang sa labas.  Wala rin tigil ang pagpaparinig ng matandang lalaki.


            Miyerkules. Ganun pa rin. Wala pa rin ang saingan. Kapag tinatanong ng matandang babae nasan ang saingan ay hindi rin daw alam ng matandang lalaki. Edi meow meow meow.


            Huwebes. Hindi pa rin alam nasan ang saingan. Napakahusay, baka ang mga aso ang nagtago ng saingan.

            Bandang gabi. Hindi pa rin tumitigil ang matandang lalaki. Tinutuon nya na may bumibili sa tindahan atsaka magbubunganga sa matandang babae. Sinasadya nya ito, para rinig na rinig ng ibang tao ang ginagawa nya. Nariyan na murahin nya ang babae, isumbat ang mga pinagpaaral sa mga anak nila. Isumbat pati ang mga pagpapagamot sa magulang ng babae. 

            Walang magawa ang babae. Dahil ayaw naman nyang ibenta ang bahay nila. Ayaw nyang umalis sa sitwasyon nya. Kahit anong tulong ang ibigay sa kanya ng mga anak nya, ay takot na takot syang magbago. Napagod na din ang kanyang mga anak sa kakabigay ng tulong. Ang tanging nagagawa nya ay magkwento sa ibang tao ng nangyayari sa kanyang buhay, pero hindi naman nya inaaksyunan. 

            Ang mga anak nyang babae ay nagsialisan na ng bahay nila. Kahit ayaw pang mag-asawa ay nag asawa na lang para makaalis na sa bahay nila. Naiwang ang pangalawang babae sa bahay, kasama ng batang babae. Sa ngayon, wala din choice si 2B na umalis ng bahay nila. Sapagkat, inaalala nya ang kalagayan ni ML at ng BB, kasama ng 4 na aso.  Paulet ulet na lang nag nangyayari sa kanilang buhay.

        

            Biyernes. Bumibili na lang sa labas ang kainin. Kase nga wala pa rin makahanap nasan ang saingan.

            Bandang Hapon. Kapag hapon ay nagpapahinga ang matandang babae. Minsan natutulog siya sa taas nila. Ngunit ang araw na ito ay siya ay nagpunta sa kanyang Tiyahin. Doon sya nagpahinga, dahil bukod sa nakaka pag Aircon sya at nakakapagchismis pa sya. Oras naman ng pahinga nya yun. So hindi nya iniisip na baka magalit na naman ang mga tao sa kanya. 

            Pag-uwi nya galing sa kanyang pagpapahinga/pagchichismis ay hindi nya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. May bumibili ng mga oras na iyon at siya naman ay papasok na ng bahay nila. Pinipihit pa lang nya ang door knob ng magyawyaw na agad ang lalaki. 

            "Etong putang ina ito. Imbes na magpahinga puro tsismis ang inuna." Malakas na sambit ng matandang lalaki. Sinigurado nyang maririnig ito ng mamimili. Nagpintig ang tenga ng babae at sya ay sumagot din. 

            "Eh oras naman ng pahinga ko, anong problema mo? Tsaka nagtitinda naman ako para makapagpahinga ka." Sambit ng matandang babae. 

            Ang matandang lalaki ay hindi pumapayag na may nagwawagi na ibang tao. Gusto nya siya ang tama at siya parati ang panalo. Nang sumagot ang babae ay gusto nyang saktan ulet ang babae. 

            Pagod na pagod na ang babae sa masamang pagtrato sa kanya ng lalaki. Bigla nyang nasambit na "Maghiwalay na tayo, at magpunta tayu sa brgy."  Sigi magpunta tayo sa brgy. 

            Pumanik ang matandang babae para magsumbong sa pangalawang babae. Napangiti ang anak nya sa nalaman, dahil ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang matandang babae. Pagod na pagod na din mga anak nila sa nangyayari sa buhay nila. Gustong magpasama sa brgy ng matandang babae sa pangalawang babae. Ngunit under probation pa ang person.

            Hindi naman alam ni 2B na ang matatandang babae at lalaki ang pupunta sa brgy. Akala nya ay ang batang babae lang.


            Sa Brgy. Nag-usap at nagharap na ang mga matatanda kaharap ni Kapitan. Sinabi lahat ni MB ang ginagawang pagpaparinig, pananakit at pagmumura sa kanya ni ML. Sinabi rin nya na pati ang mga anak at apo nila ay nakakanas ng kalupitan sa matandang lalaki. Ngunit, hindi papaawat ang ML, binabagligtad nya ang kwento para siya ang magmukhang api at kawawa. Ngunit, lahat ng paratang nya ay binutata ng matandang babae. Sinabi na hindi iyon totoo, eto ang katotohanan. 

            Hindi makapaniwala ang kapitan sa kanyang narinig. Sinabi nya na pwede siyang makasuhan ng VAWC. Wala rin siya sa posisyon para sabihin na maghiwalay sila. Kaya nagkaroon sila ng kasulatan na kapag nangyari ulet ang mga pagpaprinig, pananakit ay pwede ng damputin ng brgy. ang matandang lalaki. 

            Pagkatapos kausapin ni Kapitan ang mag-asawa ay naunang lumabas ang lalaki. Ngingisi ngisi pa nga daw ayun sa batang babae. Sinabi nya ito sa pangalawang babae. Naalarma ang 2B kase alam nyang hindi papayag na natalo ang lalaki, naramadaman nyang gaganti ito kahit anong mangyari. Ang matandang babae ay nanatili muna sa brgy. Kinausap nya ang ninang ni 1B at kinuwento ang lahat. 


            Sa bahay. Pag-uwi ng matandang lalaki ay nagbukas sya ng tindahan. Ngunit ng dumating na ang MB ay siya na ang nagtinda. Mapayapa ang bahay pagkatapos nilang magharap sa brgy. Siguro nangatog si ML na maari syang makulong sa susunod na manakit at magparinig pa siya. 

            Ngunit hindi hadlang ang paghaharap nila sa brgy para hindi magyawyaw ang ML. Sinabi nya na maaga syang bumabangon para magtinda. Ginagawa nya itong lahat para sa pamilya nya. Hindi siya pinapansin ni MB. 


            Sabado. Hindi pa rin mahanap nasan ang saingan. Ganun pa rin, bumibili na lamang sa labas. Nag-aya si 2B na magpunta sa palengke para bumili ng panungkit sa damit. Dumerecho sila sa bahay ng tyahin ni MB. Nakasalubong nila ang isang tsismosong lalaki. tinanong at bakit sarado ang tindahan ng ganung oras. Sabi nalang ni MB na nagpunta sya sa doctor. Ngunit sabi ni 2B ay dapat hwag mahiyang sabihin ang katotohanan. Sabihin nyang nagpunta sila sa brgy. Kahit anong tago naman ang gawin, for sure alam na ng mga tao sa looban ang ganap sa bahay na ito. 


            Linggo. Lumabas na nag saingan. Ngunit wala ang takip. Sinabi din ni ML na mga tamad daw ang tao sa bahay na ito. Sapagkat sya daw parati ang nagsasaing. Kiber lang si MB. Kapagod na din talaga. Pero ayun, bili na lang muna ulet ng kanin sa labas.


            Lunes. Isang himala ang nagyari. Lumabas na din ang takip ng saingan. :( Maluha luhang hinugasan ng matandang babae ang saingan at ang takip. Pagkatapos naman ay dali dali siyang nagsaing. Life changing din ang nangyari. Biruin mo isang linggo halos na bumibili ng kanin sa labas. Malamang nagtataka ang mga kapitbahay bakit panay bili ng kanin, eeh nagtitinda naman sila ng bigas. Imposible na wala silang maisaing. Hanggang ngayon ay nakakapagsaing pa rin sila sa saingan. Hindi pa ito nawawala ngayon. Hindi pa muna nangaaway ang ML. Tahimik na bulkan siya ngayon. Pero anytime at maaring sumabog.









ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...