Paano
kumuha ng Occupational Permit sa Quezon City.
Ang mga requirements sa pagkuha
ng Occupational Permit sa Quezon City ay:
1. NBI
o Police Clearance
2. Cedula
3. Health
Permit (Unang kukunin bago makakuha ng Occupational Permit)
Paano naman kumuha ng Health Permit
sa Quezon City.
Ang mga Kailangan sa pagkuha ng
Health permit ay:
1. Laboratory
Result
2. Laboratory
Receipt
3.
Kailangan bago ka pumunta sa City
Hall, may dala ka ng Stool at Sputum. Kase nga kukuha ka ng Health Permit.
Take note din na dapat proper
attire ka. Bawal ang naka ripped jeans, sandals, naka sando. Casual attire lang
dapat bez huh. Pero hwag kang mag alala kase parang one stop shop na yung sa
gilid ng City hall. Everything you need, they have. Nagbebenta sila ng leggings
at close shoes, para sa kababaihan. Sa
kalalakihan, I suggest na magpunta nalang kayo sa may Philcoa, may
market dun. (Kung kailangan mu lang naman ma accomplish na makakuha ng health
permit within the day, pero kung hindi naman, balikan mo na lang bukas.) Naka
ripped jeans at sandals kase ako ng araw na yun. Nagpa laboratory na lang kame.
Madaming satellite laboratory
dun, across Gate 5 ng City hall. Sa Gilcare Diagnostic Clinic kame nagpunta. Magdala
ka ng valid I.d mo huh, kase kailangan mo yun. Php120.00 para sa test ng Stool
at Sputum. May tinda din silang container para sa Stool at Sputum. Php15.00 sa
Stool container at Php5.00 naman sa Sputum, yung parang lalagyanan ng ketchup
sa Jolibee ang itsura. Magdala ka ng Stool mu huh. Kase hindi pedeng to follow
na lang yun. Meron kang isang option, dudumi ka dun. May C.R for rent na
malapit sa talyer. Kahilera din yun ng mga satellite clinic. Php10.00 ang bayad
sa paggamit ng banyo, tapos may limang pisong tip daw. Hindi ako nagganun huh.
Naikwento lang saken ng kateam ko. Kung resourceful ka naman, manghingi ka na
lang ng Stool sa kakilala mo. Kadiri lang. Hahahahaha.
Eto yung summary ng magagastos mo
para sa Laboratory test:
Php120.00 – Laboratory Test
Php15.00 – Stool Container
Php5.00 – Sputum Container
Php10.00 – C.R
Php5.00 – Tip sa C.R
Kung may dala ka na naman, mga
Php120.00 lang magagastos mo. Bibigyan ka ng resibo, itago mo yun kase need mo
yun huh. After 30 minutes, ibibigay na naman yung result ng test. May waiting
area naman dun sa Diagnostic Clinic. So meron ka nga resibo at laboratory
result.
Pasok ka na sa may Gate 5, meron
dun pila para sa Health Permit. Pila ka dun para sa step 1. May bibigay silang
papel sayo, para bayaran mo. Para naman yun sa seminar ng HIV/STI/AIDS.
Php100.00 yung payment. From bungad ng Gate 5, to payment area, lakad ka,
siguro mga 300 steps. Katapat ng Building A, kahilera ng Landbank.
Miscellaneous Fee and other payment na banner kang makikita. Dun ka mag babayad
para sa seminar Pagkatapos nun, balik ka ulet dun sa bungad ng Gate 5. Pila ka
ulet, ipakita mo naman yung payment receipt mo para sa seminar, laboratory
receipt at result. Tapos susulatan nila yun para sa schedule ng seminar mo.
Confirmation yun ng seminar mo, importante masyado yung sulat na yun huh. (Kase
kung wala yun, tapos nasa seminar area ka na, papaalisin ka nila dun sa area.)
Tapos pila ka ulet para sa attendance para sa seminar. 9:30am kame nakakuha ng
slot. Pero mga 9:00am palang, pinapunta
na kame dun sa may seminar area. Okey lang na hindi ka makasulat dun sa
attendance sheet. Kase pagpunta mo naman sa area, magpapiko ulet sila para sa
attendance.
Isang oras yung seminar para sa
HIV/STI/AIDS. Tapos makukuha mo na yung health permit mo. Valid lang siya ng
anim na buwan. Itago mo yung health permit na yun. Ipaphotocopy mo back to back
or picturan mo. Para kung magrerenew ka, yun na lang ng ipapakita mo at hindi
kana aattend ng seminar.
Eto yung oras ng mga seminar para
sa HIV/AIDS.
9:00am, 10:00am, 11:0am, 1:30pm
at 3:00pm
Para naman makakuha ng
Occupational Permit.
Pumunta ka sa Building A, katapat
ung Cashier building. Sa may basement ka pupunta. May dalawang pila dun, yung
isa para sa requirements para makakuha ng Occupational permit tapos ung isang
pila ay para naman sa pagprocess na ng permit mismo.
Syempre dun ka na muna sa
requirement para sa permit.
Eto naman ang mga requirements
para makakuha ka ng Occupational Permit.
1. Health
Permit (Yung pinaghirapan mo ng bongga bonga, ayan yun)
2. NBI
or Police Clearance
3. Cedula
(Bes, magpacedula ka na sa Brgy nyo mismo, Maharlika kumuha ng cedula sa
Cityhall. Wala pang Php50.00 sa Brgy nyo mismo, samantalang Php197.00 na yung
Cityhall)
Kung wala kang nakuhang Cedula sa
Brgy nyo, katulad nga ng sinabi ko meron sa Cityhall. Sa may likod ng Landbank
(sa loob pa din yang ng Cityhall) pwede kang makakuha. Php197.00 po yan.
Kapag kumpeto kana sa tatlong requirements,
lalabas ka ulet para naman magbayad ulet ng Miscellaneous Fee. Php150.00 para
sa Occupational permit, tapos Php20.00 naman sa Picture. Php170.00 lahat. Balik
kana ulet sa Bldg A para naman sa processing ng Occupational Permit mo na
mismo. Kapag nacheck na nila na okey na lahat, yung requirements at yung
payment, papanik ka na naman sa Ground floor para sa picture taking. Saglit
lang naman yung pila dun, ibibigay mo lahat ng papel mo, tapos papababain kana
lang nila ulet para sa releasing ng papers mo.
Mga 30 minutes siguro kameng
naghantay, depende siguro sa dami ng nagrerequest. Meron naman nag aannounce
dun sa basement if narelease na yung papers mo. Ibibigay nila ulet yung mga
requirements mo, yung Cedula, health permit at NBI or police clearance mo kapag
narelease na yung Occupational permit mo.
Huling paalala kapag kukuha ng
Occupational Permit.
1. Magdala
na ng Stool at Sputum
2. Smart
Casual Attire
3. Magdala
na din ng Food at water mo (Para iwas gastos, madami ka na kaseng babayaran ee)
4. Magdala
ng Extra money
5. Check
mo sympre kung dala mo yung mga requirements mo, tapos Valid IDs na din.
6. Agahan
mong magpunta at magdala ka ng sangkaterbang pasensya (Kakainin kase talaga
isang araw mo sa process na ito.
Ang prosesong ito ay para sa
bagong pagkuha ng Occupational Permit, hindi ko pa alam pano yung sa renewal.
Siguro same process lang din siya wala lang yung seminar.
P.S: Isinulat ko ito para kung
sakaling kukuha ulet ako nito, hindi na ako mangangapa ulet kung paano.
Anesthesia Girl kase ako.
Bb.LaBeouf
March 17, 2018
thank you so much its really a big help, hindi kasi ako taga quezon city pero need ko dahil doon ako magwork, taga bulacan ako so i need muna pala kumuha ng cedula at magrenew ng nbi? thanks... God bless
ReplyDeleteOkay lang bang cedula from other city ang gamitin? Taga bulacan din kasi ako. May cedula na ako pero Hindi sya Quezon city okay lang ba yun?
DeleteOk lang ba kung ung medical result ko from other clinics para hindi na ulit ako gumastos?
ReplyDeletemam my lab results po ako nung august pede kya yun
ReplyDeleteValid for 1 month lang po ba ang Health Permit? Kasi po Date po ng Issuance is November 28,2018 then Date of Expiration is December 31,2018.
ReplyDeleteValid sya for a year..kaso matic na end of the year ang expiration nya kahit kumuha ka ng Nov. pag ganyan i-suggest nyo sa employer nyo na kung pwede to follow nalang si Health and Occupational para hindi sayang..
DeleteThank you! Kukuha ako ng occupational permit ko bukas at sobrang nakatulong to sakin! Maraming maraming salamat buti nakita ko tong blog mo hehe
ReplyDeleteWow, what a relief! Thank you for sharing your knowledge about this matter. Badly needed. Kudos! 💜
ReplyDeleteso kailangan pa kumuha ng health permit bago makakuha ng occupational? :(
ReplyDeletePaano yan
ReplyDeleteDi ba pede resibo muna sa nbi ..Ang ipakita. .Late kasi ang releasing?
Dito sa monumento kumuha aq.. minuto lang wait q..nakuha q kaagad nbi q.
DeletePero wag ka magpapaloko sa mga nagsasabing.. maam or sir na i line nakita s nbi. Eme eme ganyan.. ikaw mismo dumiretyo s nbi ..lrt sa taas un...sa guard ka mag ask wag kani-kanino
Pwede kayang police clearance nadin kung taga saan ako like tarlac? Pero dto parin ako sa Quezon city mgwowork?
ReplyDeleteOpen ba sila ng weekdays????
ReplyDeleteHi! Same process din ba kapag Renewal ng Occupational permit? Need pa ng Health card? Thanks sa reply.
ReplyDeleteQuestion - medyo pantanga, pero bakit kailangan kumuha ng occupational permit and to renew yearly?
ReplyDeleteEto rin sana tanong ko. Every year tau kukuha provided na regular tau sa trabaho natin?
DeleteKailangan po ba yung cedula metro manila?? Kasi sa Pangasinan pa po ako eh natanggap po ako sa QC. Paano po yon?
ReplyDeleteGood luck and hello P197.00 pesos na CEDULA ang kailangan mo
DeleteGood luck and hello P197.00 pesos na CEDULA ang kailangan mo
Deleteok lng po ba kumuha ng laboratory result at police clearance sa ibang city gaya ng caloocan? tapos sa qc city hall ako kukuha ng health card and occupational permit.
ReplyDeleteMay accredit na laboratory ang Quezon City hall.. di nila iho-honor pag wala sa listahan nila yung clinic or laboratory. Sayang lang..pero sa police clearance pwede naman ata.
Deletehi,puros copy lng ba ang ibibigay s knila o need nila ng original?
ReplyDeleteHello kailangan pa ba ng chest X-ray for health certificate? TIA
ReplyDeleteNeed ba s health card Ang chest x-ray
ReplyDeletePwede ba yung cedula ko na sa bulacan ang nakaaddress?
ReplyDeleteHello po, badly need answer. Sila po ba magcapture ng picture or didikitan nalang? thanks po. 😊
ReplyDeletePwede po bang xerox copy ang cedula? Thanks.
ReplyDeleteOriginal lahat documents na kailangan
DeleteBig Help..
ReplyDeleteOkey lang din naman kahit sa loob ka ng City Hall mag pa laboratory, habang hinihintay mo yung result papupuntahin ka na sa seminar. then after seminar, kukunin mo yung result then makukuha mo na yung Health Card mo.
kayang kaya ng isang buonh araw. sa case ko simula 10AM natapos ako ng 2PM.
Magbaon kayo ng Pagkain at Tubig, Napakainit sa Basement promise! hahaha
Sira Electric Fan then madaming tao, unahan sa upuan.
Pero mabilis lang makuha yung occupational permit.
Seminar lang yung nagpatagal.
Sa Tuesday pa kasi ung schedule ko for NBI Clearance. Pwede ko naman na lakarin ung Health Permit ng Monday tapos after ko makuha ung NBI ko diretso na ako sa Occupational Permit? Kaya ba matapos same day kumuha ng Occupational Permit kung sakali na 1-2PM na ako matapos sa NBI?
DeleteThanks in advance. 😊
Gaano po kalaki yung lalagyan ng stool nila sa gilcare? First time ko kasi kaya wala akong idea. Magdadala lang po kasi ako baka kapusin yung dadalin ko. Salamat po
ReplyDeleteKahit saang barangay ba pwede kumuha ng cedula? paano kung hinde ako taga QC? Marikina ako
ReplyDeleteHello Po ask kuh lng first timer Po ksi ako ahm pinapaasikaso Po ksi sa akin Ng boss kuh yung health permit, eh alm kuh lng PO ay health card yung pinaasikaso Po nya sa akin nun saleslady po ksi ang trabaho kuh, Anu Po ba pinagkaiba ng health permit sa health card? Kailngan kuh PO ba kumuha ng health permit kpag may health card Po ako?
ReplyDeleteGood day, ask ko lang, kasi ung NBI ko Pangasinan ko pa kinuha , nandito ako ngaun sa Quezon City, ok lang ba ung NBI ko na kinuha ko sa Pangasinan ang gamitin ko.
ReplyDeletesheen ung NBI nationwide yan. khit san po gmitin pwde ksi iisa lng nbi. my iba lng pong category.
DeleteMeron nang annual physical medical exam sa company namin. Pero required pa din yang health permit and occupational permit every year. Parang redundant na lang na requirements ng QC. Sayang oras at pera. Hay!
ReplyDeleteAnyway, its a legit way of corruption. Sino kaya makakatulong para mabago yung policy na to!? hmmn
Sa papamigatan daw kasi niyan makikita kung may sakit ung isang tao kaya minimonitor nila ung health, kaya need every year
DeleteE meron na nga sa company namin na annual physical/med exam. Kaya nga redundant.
DeleteSo kung malaman sa company namin may sakit ako. Tapos, malalaman din sa city hall, so dalawa magiging sakit ko? :(
Itatanong ko lang po sana if original copy ba ng NBI ang binibigay sa pagkuha ng Occupational permit? or photocopy will do? Thanks in advance sa pagsagot. God bless po!
ReplyDeleteThanks for this!
ReplyDeletepwede po ba cedula dito sa tay tay
ReplyDeletePwede kahit saan. Sa brgy ka na lang kumuha. The higher the salary, the higher the tax ng cedula. Kaya alam mo na gagawin.
Deletehi sna po may.sumagot kasi.papunta po ako ngayun duon :( pwede po ba cedula ng marikina ang gamitin n i ppresent po duon?ska.same price parin po ba n 120 pesos yung lab po nila?slmat po sa sasagot
ReplyDeletehehe mam anesthesia po ba talaga or amnesia? haha btw salamat po malaking tulong po ito saming mga new applicant
ReplyDeletePanu po pag di ka naka seminar
ReplyDeletePwede. Ba resibo lng muna ng nbi ang ipakita.may hit kasi ako. Sa. Nbi. Kaya di agad nabigay pwede bang resibo lng muna
ReplyDeleteHi! Ganto parin po ba magagastos and schedules ngayong 2020?
ReplyDeleteKapag hindi po na nagsubmit ng Occupational Permit meron ng reason si company to terminate ang isang employee?
ReplyDeleteWhat if po yung laboratory result diretsyo sa company pano po yun?
ReplyDeleteHello, Pwede ba yung police clearance ko from malabon kasi ako.
DeletePwede po ba na police clearance and cedula
ReplyDeletepde makukuha ng majors at health kht sabado salamat
ReplyDeleteQuestion po, regarding sa laboratory test, pwdi bang yung latest medical exam mo nalang, yung hindi kna maglalaboratory doon sa city hall kasi may dala kanang medical result
ReplyDeletePaano po if may medical result kana pero di po galing don?
ReplyDeleteAsk Lang po ako paano po pag Mali Yung name Ng nakalagay sa mayors permit naka print na kasi..open po ba Yung cityhall ngayon dahil naka lockdown?
ReplyDeleteguys.... kase ang problem ko is yung nbi clearance ko naka schedule pa sa oct23 e need ko na kasi ng occupational permit... ok lang po kaya na ung receipt ko sa nbi ang dalhin ko.?
ReplyDeleteganto padin ba and process until now?
ReplyDelete