Sunday, March 18, 2018

PAANO KUMUHA NG OCCUPATIONAL PERMIT SA QUEZON CITY.

Paano kumuha ng Occupational Permit sa Quezon City.


Ang mga requirements sa pagkuha ng Occupational Permit sa Quezon City ay:
1.      NBI o Police Clearance
2.      Cedula
3.      Health Permit (Unang kukunin bago makakuha ng Occupational Permit)


Paano naman kumuha ng Health Permit sa Quezon City.
Ang mga Kailangan sa pagkuha ng Health permit ay:
1.      Laboratory Result
2.      Laboratory Receipt

3.       
Kailangan bago ka pumunta sa City Hall, may dala ka ng Stool at Sputum. Kase nga kukuha ka ng Health Permit.

Take note din na dapat proper attire ka. Bawal ang naka ripped jeans, sandals, naka sando. Casual attire lang dapat bez huh. Pero hwag kang mag alala kase parang one stop shop na yung sa gilid ng City hall. Everything you need, they have. Nagbebenta sila ng leggings at close shoes, para sa kababaihan. Sa  kalalakihan, I suggest na magpunta nalang kayo sa may Philcoa, may market dun. (Kung kailangan mu lang naman ma accomplish na makakuha ng health permit within the day, pero kung hindi naman, balikan mo na lang bukas.) Naka ripped jeans at sandals kase ako ng araw na yun. Nagpa laboratory na lang kame.

Madaming satellite laboratory dun, across Gate 5 ng City hall. Sa Gilcare Diagnostic Clinic kame nagpunta. Magdala ka ng valid I.d mo huh, kase kailangan mo yun. Php120.00 para sa test ng Stool at Sputum. May tinda din silang container para sa Stool at Sputum. Php15.00 sa Stool container at Php5.00 naman sa Sputum, yung parang lalagyanan ng ketchup sa Jolibee ang itsura. Magdala ka ng Stool mu huh. Kase hindi pedeng to follow na lang yun. Meron kang isang option, dudumi ka dun. May C.R for rent na malapit sa talyer. Kahilera din yun ng mga satellite clinic. Php10.00 ang bayad sa paggamit ng banyo, tapos may limang pisong tip daw. Hindi ako nagganun huh. Naikwento lang saken ng kateam ko. Kung resourceful ka naman, manghingi ka na lang ng Stool sa kakilala mo. Kadiri lang. Hahahahaha.


Eto yung summary ng magagastos mo para sa Laboratory test:
Php120.00 – Laboratory Test
Php15.00 – Stool Container
Php5.00 – Sputum Container
Php10.00 – C.R
Php5.00 – Tip sa C.R


Kung may dala ka na naman, mga Php120.00 lang magagastos mo. Bibigyan ka ng resibo, itago mo yun kase need mo yun huh. After 30 minutes, ibibigay na naman yung result ng test. May waiting area naman dun sa Diagnostic Clinic. So meron ka nga resibo at laboratory result.

Pasok ka na sa may Gate 5, meron dun pila para sa Health Permit. Pila ka dun para sa step 1. May bibigay silang papel sayo, para bayaran mo. Para naman yun sa seminar ng HIV/STI/AIDS. Php100.00 yung payment. From bungad ng Gate 5, to payment area, lakad ka, siguro mga 300 steps. Katapat ng Building A, kahilera ng Landbank. Miscellaneous Fee and other payment na banner kang makikita. Dun ka mag babayad para sa seminar Pagkatapos nun, balik ka ulet dun sa bungad ng Gate 5. Pila ka ulet, ipakita mo naman yung payment receipt mo para sa seminar, laboratory receipt at result. Tapos susulatan nila yun para sa schedule ng seminar mo. Confirmation yun ng seminar mo, importante masyado yung sulat na yun huh. (Kase kung wala yun, tapos nasa seminar area ka na, papaalisin ka nila dun sa area.) Tapos pila ka ulet para sa attendance para sa seminar. 9:30am kame nakakuha ng slot.  Pero mga 9:00am palang, pinapunta na kame dun sa may seminar area. Okey lang na hindi ka makasulat dun sa attendance sheet. Kase pagpunta mo naman sa area, magpapiko ulet sila para sa attendance.

Isang oras yung seminar para sa HIV/STI/AIDS. Tapos makukuha mo na yung health permit mo. Valid lang siya ng anim na buwan. Itago mo yung health permit na yun. Ipaphotocopy mo back to back or picturan mo. Para kung magrerenew ka, yun na lang ng ipapakita mo at hindi kana aattend ng seminar.


Eto yung oras ng mga seminar para sa HIV/AIDS.
9:00am, 10:00am, 11:0am, 1:30pm at 3:00pm



Para naman makakuha ng Occupational Permit.
Pumunta ka sa Building A, katapat ung Cashier building. Sa may basement ka pupunta. May dalawang pila dun, yung isa para sa requirements para makakuha ng Occupational permit tapos ung isang pila ay para naman sa pagprocess na ng permit mismo.
Syempre dun ka na muna sa requirement para sa permit.

Eto naman ang mga requirements para makakuha ka ng Occupational Permit.
1.      Health Permit (Yung pinaghirapan mo ng bongga bonga, ayan yun)
2.      NBI or Police Clearance
3.      Cedula (Bes, magpacedula ka na sa Brgy nyo mismo, Maharlika kumuha ng cedula sa Cityhall. Wala pang Php50.00 sa Brgy nyo mismo, samantalang Php197.00 na yung Cityhall)

Kung wala kang nakuhang Cedula sa Brgy nyo, katulad nga ng sinabi ko meron sa Cityhall. Sa may likod ng Landbank (sa loob pa din yang ng Cityhall) pwede kang makakuha. Php197.00 po yan.

Kapag kumpeto kana sa tatlong requirements, lalabas ka ulet para naman magbayad ulet ng Miscellaneous Fee. Php150.00 para sa Occupational permit, tapos Php20.00 naman sa Picture. Php170.00 lahat. Balik kana ulet sa Bldg A para naman sa processing ng Occupational Permit mo na mismo. Kapag nacheck na nila na okey na lahat, yung requirements at yung payment, papanik ka na naman sa Ground floor para sa picture taking. Saglit lang naman yung pila dun, ibibigay mo lahat ng papel mo, tapos papababain kana lang nila ulet para sa releasing ng papers mo.
Mga 30 minutes siguro kameng naghantay, depende siguro sa dami ng nagrerequest. Meron naman nag aannounce dun sa basement if narelease na yung papers mo. Ibibigay nila ulet yung mga requirements mo, yung Cedula, health permit at NBI or police clearance mo kapag narelease na yung Occupational permit mo.


Huling paalala kapag kukuha ng Occupational Permit.
1.      Magdala na ng Stool at Sputum
2.      Smart Casual Attire
3.      Magdala na din ng Food at water mo (Para iwas gastos, madami ka na kaseng babayaran ee)
4.      Magdala ng Extra money
5.      Check mo sympre kung dala mo yung mga requirements mo, tapos Valid IDs na din.
6.      Agahan mong magpunta at magdala ka ng sangkaterbang pasensya (Kakainin kase talaga isang araw mo sa process na ito.

Ang prosesong ito ay para sa bagong pagkuha ng Occupational Permit, hindi ko pa alam pano yung sa renewal. Siguro same process lang din siya wala lang yung seminar.

P.S: Isinulat ko ito para kung sakaling kukuha ulet ako nito, hindi na ako mangangapa ulet kung paano. Anesthesia Girl kase ako.


Bb.LaBeouf
March 17, 2018

INFANTA QUICK VACAY

April 6, 2024 Late ng nagising ang mga anak sa mayaman!🤣🤣 Mga 11am na siguro.  Bali, Friday April 5, byahe from Legarda to Infanta. 7pm um...