Wednesday, April 10, 2024

INFANTA QUICK VACAY

April 6, 2024

Late ng nagising ang mga anak sa mayaman!🤣🤣 Mga 11am na siguro. 

Bali, Friday April 5, byahe from Legarda to Infanta. 7pm umalis ang bus, tapos may stop over sa Laguna. Then mga 12am nakarating sa Infanta. Infairness, rumaragasa at nagkukumahog pa ang bus namen. Pero 5 oras din ang byahe. Tapos nag shot pa, pampatulog ba! Ehehe.

Anyway, walang masyadong ganap netong araw na ito. 

Sabado yan! Nakatambay lang sa bahay. Tapos nakaschedule brown out pa. 6am-5:45pm. Hindi naman ganun kainit. Katulad ng nararanasan sa Metro Manila.

Ang paligid ng bahay ay puro puno at halaman. Malamig ang simoy ng hangin, tapos may pag ulan ulan din. Damang dama ang probinsyala feels!


April 7, 2024

Meryenda time. Syempre, as a batang Malabon sawa tayo sa mga pansit pansit, kakanin at kung ano pa man.

Bumili sila ng Pansit Palabok Infanta Quezon Version. Waah, sobrang new ito!

Yung noodles is spaghetti like. Firm sya huh. Tapos may toppings na karne ng baka, at maraming boiled egg.

Ibang iba sa nakasanayan pansit. Pero worth it na itry ito!😊😊


Mga 5 pm bumyahe pa dagat. Sisilipin lang naman!🤣🤣 Tapos kinabukasan nagpunta rin naman dito iiih.

Entrance fee is 10.00. Maliligo, papasyal or tatambay ka. Magbabayad ka! 

Wala pang 1hour kame dito. Kase palubog na din ang araw at madilim na mabalik sa bahay.

Quickie beach vibes lang.

Nanghiram lang me ng nyelfone at naiwan ko yung vintage kong cp!

After pumasyal sa dagat, syempre umuwi na. Hindi na rin nakapag dinner dahil busog pa sa meryenda. Mga alas nuebe umorder pa sila ng kape huh. 😭😭😭

Syempre hindi tayo tatanggi sa kape. Kahit maaga yung usapan kinabukasan, sige lang sa kape.

Spanish Latte sana. Kaso hindi daw available. Vanilla something daw ito iihh.


April 08, 2024

Ang call time is 4am. Pero mga 5 kame nagising at 5:30am na nakaalis.

Saglit lang yung byahe, mga 20mins siguro. Entrance nga is 10.00. Tapos kumuha na lang kame ng cottage. 100.00 kase hanggang 8am lang naman nag target.

Kain saglit, kape, taho tapos nagbabad na sa dagat. Hindi sobrang alat ng tubig. Black sand ang peg nila. Kaso madumi yung beach. Yung paligid at yung mismong dagat.

Daming basura, bote ng alak, upos ng sigarilyo, balat ng chichirya! Maganda yung place, pero napabayaan nga.

No comments:

Post a Comment

ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...