Thursday, March 28, 2024

The Woman In Me - Britney Spears

The Woman In Me - Britney Spears

Nakakakilabot yung ginawa ng pamilya/Jowa/mga person Britney sa kanya. 😧😧 Ginawa ba naman siya money machine. 

Para siyang ibon na pinutulan ng pakpak! Ang saklap. Wala man lang nag stand up na kapamilya nya. Nagkaisa pa sila!

Yung tatay nya, gets na nagka childhood trauma din dahil sa ginawa ng tatay nya, tapos nag suicide pa mom nya. Pero ayun, imbes na baguhin nya at hwag ng iparanas sa anak nya yung nangyari, eeeh ang lala! Major gaslighter, manipulator, abuser pa ang ginawa nya sa anak nya. 

Yung nanay nya, wala man lang ginawa! Huhuhu. Like naki ride or die na lang sya sa trip ng jusawa nya.

Gigil din ako sa Jaimie Lynn. Kala mo kung sino sa totoo lang. Atribida ang babae. Naging teenage mom ito, pero ito ang aabangan ko, ang revelation if one of the victim siya ng producer ng Nick.

Nang irelease ni Mamang Britney itong book nya, may major hint na naman what happened between JT and her! Waaahhh, buti talaga si JC ang bet ko sa NSYNC! Isa din itong lalaking ito iih, hays. Jessica Biel, magsuot ka ng pink if nasa panganib ka! Charot!

Kay Kevin naman, na kapal ng pagmumukha! isa din ito nakinabang ng matagal sa pera ni Mamang. Gaslighter, abuser din sya for me! Diba natapos na this year yung pagsustento ni Britney sa Panganay nila? Pero shuta, humihirit pa na ituloy! 

Mga Parasite kayu! 

Nakakalungkot lang talaga na sobrang inabuso si Mamang dito! Siya na kumayod para maitaguyod yung pamilya nila, pero siya pa din ang masama.

Pero sobrang kudos ni Mamang Britney dito! ang strong ng heart nya and will na mabuhay! Maganda din na kumapit talaga siya kay Lord para malagpasan nya ung pagsubok nya. 13yrs ng conservatory nya! Naging tau tauhan sya. Hay nako!

Kudos din sa hubby nya ngaun! Nothing but positive lang naman ang nabanggit sa kanya. Nakunan pala si Britney dito. Pero trust in right timing, ibibigay din yan ni God.

Girl deserve mong maging masaya! Nakamit mo na din ang freedom finally. πŸ’—πŸ’—πŸ’—

Sobrang worth itong basahin! Pero ang tagal bago ko ito natapos huh!🀣🀣 

Start date of Reading: 12/02/2023
End date of Reading: 03/28/2024
118 days before matapos!
⭐⭐⭐⭐⭐/5

Pero in between ng date na yan, naka 5 books ako, nakailang kdrama, movies and anime ako.

Nabibigatan lang akong basahin kaya ginaslight ko muna self ko! Hahahaha.


03/28/2024

No comments:

Post a Comment

INFANTA QUICK VACAY

April 6, 2024 Late ng nagising ang mga anak sa mayaman!🀣🀣 Mga 11am na siguro.  Bali, Friday April 5, byahe from Legarda to Infanta. 7pm um...