VERUM EST. TOTOO BA ITO?
PAALALA:
- Hindi lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay hango sa totoong buhay.
- May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
- Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
- Hindi porket hindi mo nakikita, ay dapat hindi mo na paniwalaan. May mga bagay-bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag ng syensa.
- Masayang pagbabasa..
SI LOLITA AT SI CHARLOTTE
Isang lumang gusali ang pilit nakikipagsabayan sa magulong lungsod ng Mandaluyong. Kahanay ng lumang gusali ang nag-gagandahan mall, matataas na condominium, na tila inaabot na ang langit.
Ang lumang gusali ay mayroon tatlongput dalawang palapag. 1996 pa ng ito'y pinarentahan sa publiko. Ang kulay ng gusali ay kahel at beige. Meron itong apat na elevator. Ang dalawa ay para sa residente ng gusali. Simula ika labing dalawang palapag hanggang ika tatlongput dalawang palapag. Ang dalawa pang natitirang elevetor ay para sa mga nagoopisina.
Nobyembre taong 2010 ng unang nakatuntung ang aking mga paa sa lumang gusali. Katumbas ng isang timba ang pawis ko, bago ko nahanap ang gusali itong. Hindi ko alam anu ang nasa isip ko at hindi ko tinanung ang aking Twin para sa pinakamainam na daan. Mahigit isang oras ang nasayang sa araw ko, bago ko natuntun ang gusali.
Nasa ika-syam na palapag ang aming opisina. Nang panahong iyon, dalawang kompanya ang nagrerenta sa kwarto. Ang opisina ay may puting pader at kulay abo na carpet. May anim na lamesa kasama na ang reception table. Meron din silang isang mahaba, ngunit luma ng sofa. Maganda ang tanawin sa gusali. Isang obra maituturing ang eksena. Mamamangha ka din sa magandang pagkakadisenyo ng mga istraktura. Lalong lalo na ang tarpolin, na sa tuwing ako'y nalulumbay ay aking tinitignan. Sumasaya ang sandali ko, nabubuhayan ako ng loob. Ang tarpoling ito'y advertisement ng isang kulay rosas na dlsr.
Sa aking pananatili sa lugar na ito, naging isa akong MAMAMATAY. Mamamatay ng ipis. Hindi ko alam kong anung uri ng ipis meron ang opisina. Tinatawanan lamang nila ang mga pestiside. Hindi normal ang kanilang itsura, kumpara sa ipis sa bahay. Gusto ko tuloy malaman kung ilang species meron ang ipis. Sa kalaunan, napagod na ako sa pagpuksa sa mga ipis. Inignora ko na lamang sila. Kahit sila ay pilit nakikisalo sa aming tanghalian, nakikiinom ng kape tuwing break, at humahalik sa iyong pisngi tuwing ikaw ay uuwi na.
Halos sumabog na ang aking pantog, sa pagpipigil ng aking ihi. Ibang kilabot ang aking nararamdaman pag pumupunta ako ng banyo. Lahat ng aking balahibo ay nagtitindigan. Ang totoo, mahusay ang pagkakaplano ng kanilang banyo. Pagpasok mo ay bubungad sayo ang isang napakalaking salamin, na sobrang gustong gusto ko. May tatlong lababo, at tatlong cubicle. Ngunit may mga panahong hindi mo gugustuhing manatili sa banyo. Maraming kahindik hindik na sandali ang nangyari sa lugar na ito. May isang pagkakataong, ako'y humahangos patungo sa banyo. Ngunit ng akoy magbukas ng isang cubicle. Tila binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Hindi ko alam na magagawa iyon ng aking kapwa babae. Sobrang karumal dumal ang ginawa nya sa kubeta. Ang sahig, at ang pader ay mayroon ding bakas ng krimen. Ang amoy ay nakakasulasok. Kahit ilang araw na ang nakalipas, ay nandoon pa din ang amoy.
Ang lumang gusali ay nababalutan hindi lamang ng mga kakaibang iipis, at kahindik-hindik na eksena sa banyo, ito'y nababalutan din ng hiwaga at misteryo. Maraming haka haka ang umiikot dito. May nagsabi na may isang babae ang umiiyak. Ang kanyang pag-iyak ay tila puno ng paghihinagpis. Sa fire exit raw malakas ang pag-iyak. Tila humihingi ng tulong. Mayroon ding haka haka na ang gusali ay naging tahanan ng isang bata. Ginawa na nyang itong isang malaking palaruan. Tila hindi batid ng bata ang nangyari sa kanya.
Tila nakasanayan na ng mga nag-oopisina sa gusali ang pag-iyak ng babae at paglitaw ng bata. Hindi nila batid na ang mga nilalang na ito'y kailangan ng panalangin. Ang babaeng naghihinagpis ay si Lolita, at ang batang naglalaro ay si Charlotte .
Si Lolita ay matalik na kaibigan nila Melinda at Gardo. Anak naman nila si Charlotte . Ninang sa binyag ni Charlotte si Lolita. Nang pumanaw sila Melinda at Gardo, naging ikalawang ina si Lolita ng musmos na si Charlotte . Maraming nagsabi, na si Lolita at Charlotte ay naging biktima at inalay ang buhay sa tinatayong gusali. Ang mga yabag at pag-iyak ay patuloy na naririnig. Patuloy ang kanilang paghingi ng tulong.
Sila'y pagala gala lamang sa loob ng gusali. Hindi mo alam, sila sumasabay sayo sa pag-ihi. Binabantayan ang bawat kilos mo. Hindi mo sila nakikita, ngunit panik panaog sila sa gusali. Sumasabay sa pag-akyat at pagbaba ng elevator. Sa kalaliman ng gabi, ikaw magugulantang. Paghinagpis ni Lolita iyong maririnig. Habang ang yabag ng paa ni Charlotte ay dumadagundong sa palapag ng gusali. Ilan pa ba silang nananatili sa gusali at humihingi ng tulong, humihingi ng taimtim na dasal. Dasal mula sa mga taong pilit iniignora ang kanilang presensya. Kelan sila makakarating sa mundo, sila ay nababagay.?
-WAKAS-
Inilathala ni
Bb. LaBeouf
02-04-2011
No comments:
Post a Comment