Ang Mahiwagang Palaman
PAALALA:
- Hindi ito kathang isip, ito’y hango sa tunay na pangyayari.
- May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
- Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
- Ang lahat ng bida sa kwentong ito ay may student number na nagsisimula sa 2003. Ngunit pakatandaan, pare-parehas man ang kanilang student number, hindi sila magkakaedad.
- Masayang pagbabasa..
Ang Mahiwagang Palaman
Isang dapit hapon, habang may klaseng nagaganap sa silid ni Gng. Lim, tatlo sa pitong estudyante ng interior design ay masayang nakikipagkwentuhan sa mahigit tatlo - limang estudyante ng advertising na lumiban din ng klase para makipagkwentuhan. Isang lugar ang kanilang tinutungo para magsama sama. Ang STUDENT COUNCIL.
Sila ay tinatakwil ng mga tao sa Student Council na nakahimpil sa ikatlong palapag ng Tan Yan Kee Bldg. Sila’y maiingay na tila sa kanila ang lugar na iyon. Kung iisipin, 2-3 lamang sa grupo ang talagang membro ng FASC. Pero parang isang block ang pumunta doon at tumatambay.
Ang mga magkakaibigan ay masayang masaya kapag nasisilayan nila ang isa’t isa. Tumitigil ang kanilang mundo kapag sila’y magkakasama. Walang humpay ang kanilang tawanan at kantsawan sa isa’t isa.
Bukod sa kwentuhan, may isa pang bagay na sobra ang pagkahumaling nila. Malakas silang mag - foodtrip. Buhay na buhay ang mini stop, tindahan ng chicken neck, tindahan ng soimai at footlong at lalong lalo na ang tindahan ni Amelia.
Masayang nagkukwentuhan sila Margarita, Keppy, Ashlee, Nicole at Brix. Hinintay nila ang pagdatin nila Anne Marie at Tony G. na nag-aayos ng plate sa photography. Kain sila ng kain habang masayang nagkukwentuhan. Matagal ang kanilang hinintay ngunit tila marami ang ginagawa nila Anne Marie at Tony G. Ang buong grupo ay napagod na kakanguya at nagsimanhid na ang kanilang bagang. (Jaw).
Ang salbaheng si Brix na tila hindi maawat sa kakakantsaw ay biglang bumanat at pinasaringan si Margarita: “ANG TAKAW MU NAMAN MURE. KAIN KA NG KAIN!”
Si Margarita na pagod na pagod kakanguya ay nakangudngod na sa lamesa at hinintay ang pagdalaw ng kanyang antok. Sumagot siya sa paratang ni Brix: “PALAMAN NA NGA LANG ANG KINAIN KO EHH..!”
Bigla bigla, lumabas si Brix sa Council. Ang akala ng mga natira sa grupo ay hahanapin nya sila Anne Marie at Tony G.
Nang bumalik sa Council si Brix, inilahad nya ang nakakakilabot na pangyayari. Nang habang si Margarita ay nakangudngud sa lamesa at sinabihan ng mapanirang paratang ay dahan dahan silang numemenok o dyumedyekwat sa presto cream ni Margarita na nakatiwangwang sa lamesa. Sobrang nilasap niya ito na tila ngayon pa lamang siya nakatikim ng ganung uri ng biskwit sa tana ng buhay nya. Ng biglang sabihin ni Margarita ang nakakasindak na katotohan. Ang tungkol sa biskwit na palaman lamang ang kaniyang kinain.
Biglang nanghina si Brix ng malala niya na ang kaniyang kinain ay walang palaman. Dali dali siyang nagtungo sa banyo at iduwal ang biskwit na ninenok nya.
Si Margarita na hindi mapigilan ang sarili kakatawa ay nagpaliwanag. Pinaliwanag naman nya kay Brix na hindi naman ganung kabarubal ang ginawa nyang pagtanggal ng palaman.
Simula , naging mainggat na si Brix sa pagkuha ng pagkain, lalong lalo na kung galing kay Margarita.
- WAKAS -
Inilathala ni:
Bb. LaBeouf
PAHABOL:
- Ang Istoryang ito ay lumipas na ng maraming taon, ngunit kapag ito’y nababanggit. Wala pa ring humpay ang kanilang hagikgikan at sisihan.
- Kung mag-isa at biglang maalala ang kwentong ito, nangingiti na lamang sa isang tabi.
- Ito'y inilahad upang magpasaya at hindi makasakit ng tao.
No comments:
Post a Comment