LIVING WITH AN ABUSER
Paano nga ba ito sisimulan? O paano ba ito matatapos?
Mahigit 3 dekada na akong nabubuhay sa mundong ito. Pero hanggang ngayon ako ay nakakulong pa din sa hawla. Limitado ang galaw at ang lipad.
Same cycle lang. Paulet ulet lang. Mag away or magbati. Same eksena lang. Kumbaga, the cycles never end!
MGA KARAKTERISTIC NG BIKTIMA AT NG NANG AABUSO.
THE ABUSER . . .
Is always right! Tinalo pa neto ang "The customer is always right". Eto bibilib ka, lahat ng view in life, tama siya. Lahat ng opinion or kahit realidad sa buhay yung nasa isip nya lang ang tama.
Is always playing the victim. That's right! Sa mata ng mga tao, siya ang aping api! Inuunahan nya na, magkukwento agad siya sa tao na ganto ginawa sa kanya, kesyo ganto ganyan! Pero hindi nya kinukwento ang dahilan kung bakit ganon ang trato sa kanya.
THE VICTIM . . .
Is always blaming their self. As in, sila na nga ang biktima, sinisisi pa nila sarili nila.
Is rejecting all types of help. Nabuhay na sila na may malaking pader sa paligid nila. Hindi nila alam paano makawala sa pader na yon. Yung mga tumutulong sa kanila, tinitibag na yung pader, pero tinatayo pa din ng biktima yung pader na nakapaligid sa kanila. Hindi na nila alam paano mabuhay ng wala ang pader na yon.
Is always pleasing the abuser! Nakakasora. Ikaw na ang biktima, pero ikaw pa ang sumusuyo sa abuser. Last time, umalis kame ni girl. Bumili pa ng pasalubong para kay boy! Binilhan ng ensaymada. Hahahahaha. Or yung bumili si girl ng sago, pero ang ending binigay nya kay boy! At ang sabi nya, hayaan mo na, nakakaawa naman si boy! Girl, gumising ka! Isipin mo din yung sarili mo at yung mga taong nakapaligid sayo. Napapagod din sila na tulungan ka kung ikaw mismo hindi mo kayang tulungan sarili mo.
Is living in constant fear! Sa true lang, last time kumalabog lang yung pinto, pero yung kabog ng dibdib ko abot abot sa tuktuk ng bubung namen. Konting ingay lang, feeling mo may bakbakan ng nagaganap!
The victim is becoming the abuser. Hindi mo namamalayan, abuser ka na din. Lahat ng kasalbahihan nya, na absorb mo na at ginagawa mo na din sa mga nakapaligid sayo.
MGA KAGANAPANG NAKAKATUYO NG UTAK
Last time, na nag away sila. Si boy ay sinapak sa mukha si girl. Bilang depensa ni girl, siniko naman nya sa braso ata si boy. Kitang kita sa mukha ni girl ang pasa mula sa pagkakasuntok sa kanya. Mga dalawang linggo din bago tuluyan nawala ang pasa sa mukha. Eto ang matindi, 1 month after ng bakbakan, umaaray si boy! Need daw nyang ipa xray yung siniko sa kanya ni girl. Mga 1 week na dumadaaing. Like, wat the heck! Yung sinuntok ni boy kay girl magaling na. Tapos yung siniko ni girl kay boy, 1 month mahigit na, masakit pa daw. Tsaka anong pwersa ba meron girl?
Nagmamalinis sa mga tao! Hahahahha. Since siya ang abuser, papalabasin nya sa mga tao ba sya ang biktima! Paulet ulet nyang kinukwento na iniwanan siyang magisa dito. Hindi nya ba kinuwento sa tao na gabi gabi nya kameng pinagbabantaan na papatayin. Hinahasa nya yung kutsilyo. Or lagi nyang pinupulupot yung kadena sa kamay nya at sinasabihan nya kameng susuntukin! Sinong hindi mapapagod sa sitwasyon na yun. Hindi nya yan kinuwento sa mga tao kase nga nililinis nya ang sarili nya.
Never ending competition inside the house. Deym! May gantong eksena, yung gusto mong magluto kase may alam ka naman. Or may gusto kang subukan kase napanood mo na parang madali lang naman. Yung naluto mo na yung pagkain, biglang eentry na "Hindi ko yan kakainin, eto na lang saken!" Like, wat! Niluto ko yan para sa buong pamilya, tapos feeling mo, nakikipag kumpeyensya kame sayu. Oo na, mahusay kang magluto. Pero wala na bang karapatan ang mga nasa paligid mo na magluto din?
The "walang kwentang anak". Lage mong bineblame yung mga anak mo na sana hindi mo na lang sila pinag aral para madami kang pera. Yung inggit na inggit ka sa mga banner sa kanto, yung mga top scholar ng bayan. Sinasabi mo na walang kwenta ang mga anak mo.
[On going . . . . ]
⏩⏩⏩ Magulo lang. Daming tumatakbo sa isip ko right now. . .
No comments:
Post a Comment