MY COVID JOURNEY
🟪 July 27, 2021 natapos ang aking 2nd dose ng covid vaccine.
Ang sabi pa nga nila, after 2 weeks, bago fully mag spike up yung vaccine sa katawan to produce enough antibodies to fight the virus.
🟪 July 31, 2021 - After ng friday shift ko may sipon na ako. Binalewala ko, kase ng mga nakaraang araw panay ulan tapos sa tanghali maaraw naman. Tsaka madalas may sipon ako dahil na din sa lage akong puyat. Hindi ako gano nakakalabas ng bahay, dahil mga 2pm na ako nagigising. Tpos nakakatamad ng lumabas.
🟪 Aug 01, 2021 - nawalan na ako ng panlasa at pang amoy. Nakakaparanoid na talaga. Mainam din na mag suob parati tapos ginger na may lemon.
🟪 Aug. 02, 2021 - wala pa din akong panlasa at pang amoy. Nalaman nalang namin na namatay yung isa kong lola ng kinagabihan nga Aug. 01, 2021.
Sa totoo lang, lahat na ata naging expert sa covid. Sabi ng iba, nako wag kayung mag inform sa brgy kase kukuhanin kayo ng brgy. For fuck sake, yun talaga ang gusto kong mangyari. Or hwag kayong magpaswab kase masakit yun. Punyeta, ano bang ipapasok sa ilong namen?! At super sakit daw!
Nag inform na din kame sa brgy na possible Covid positive kame due to the symptoms na nararanasan namen. Sa Aug. 04 daw yung swab namen.Nang mga hapon, lumabas na din ang balita na yun isa kong lola at tita ay nagpositive. Nataranta kame at gusto na din namen magpa swab. Kaso ang mahal, Php2300.00 isang tao. Antayin na lang daw namen yung provided ng brgy. Binilhan na din kame ng sangkaterbang vitaminc ng isa kong kapatid.
🟪 Aug. 03, 2021 - waiting lang. Tamang linis ng bahay. Same routine. Tulog maghapon tapos may shift ng alas 9. Pero this time more sleep. Mga 12 pa lang natutulog na ako.
🟪 Aug. 04, 2021 - swab day. 10 kameng iswaswab test. Para kameng may outing eeeh. Pag dating sa site, napakaraming nagpapaswab. Per brgy ang mga sasakyan. Hindi bababa ng 5 kada brgy ang nagpapaswab. Meron din mga sanggol palang pero nakalinya na para sa swab.
Saglit lang naman yung sa swab, may kukunin lang specimen sa ilong at sa bibig mo. Tapos tapos na. After 2 days daw ang result.
🟪 Aug. 06, 2021 - eto na ata ang pinakamahabang waiting period. Mga tanghali palang, tinawagan na yung mga kasabay namen na magpaswab. Positive sila at kukunin daw sila ng brgy ng araw na yun. 7 kameng nagpositive. Hapon, wala pa din. May naginform lang samen na icheck yung result ng swab sa redcross site. Ilagay mo lang yung control number na nakadikit sa id mo - from swab test. Tapos 000 para sa id. Nakita namen yung sa result ng papa ko. Positive siya.
Nag message na ako dun sa kapitan namen tapos kagawad. Kase nga wala pa din kameng result. Tapos tinawagan ko na din yung sa contact tracer namen. Excited me?! So ayun, tatawagan nya daw kame. Bigyan ko lang siya ng konting time. Tapos after 30 minutes, ayon nainform na kame na positive kameng lahat sa bahay. Ang sabi pa nya is, hindi pa sure kung saan kame. Nag ask din kame na baka pwedeng home quarantine nalang. Depende daw yun sa desisyon ni Kap. Basta magready kame or what. Tapos alas 9 - may shift pa ako.
🟪 Aug. 07, 2021 - mga 9 palang. Pinakuha na namen sila Bred at Pretzl kay Cj. Para kung ano man ang desisyon ni Kap eeh hindi sila maiiwan sa bahay. Mga 12 ng tanghali, kukunin daw kame at ilalagay sa isolation center. After 1 hour ayun, may sundo na kame. Tapos yung mga kasama namen na nagpaswab, ililipat sila sa Batangas. Kame naman sa may Pagamutang Bayan lang.
Thank you po Lord kase mild lang yung symptoms namen. Lumaklak din kase kame ng sangkaterbang vitamins c at kung ano ano pa.
Checking lang ng mga temperature bago matulog.
🟪 Aug. 08, 2021 - Day 2 sa center. Maayos naman. Yung room namen may sariling cr. Sabi ko nga, may iaayos pa yung facilities kung bibigyan ng atensyon.
🟪 Aug. 09, 2021 - Day 3
🟪 Aug. 10, 2021 - Day 4
🟪 AUG 11, 2021 - Day 5
🟪 Aug. 12, 2021 - Day 6
🟪 Aug. 13, 2021 - Day 07
🟪 Aug. 14, 2021 - Day 8
Uwian na!
🟪 Aug. 19, 2021
Mga dapat gawin:
▪ Uminom ng vitaminc c with zinc (Atleast 1000mg a day)
▪ Fruits and veggies
▪ Matulog ng maaga. If hirap magsleep magtake ng melatonin.
▪ Iwasan ang sisihan. Kase andyan na yan, kahit anong ingat ang gawin mo, hindi mo nakikita ang virus.
▪ Positive thinking
▪ Gargle ng Betadine or warm water with salt.
▪ Magsuob 3x a day.
▪ Drink warm water with lemon and ginger.
Eto yung mga tinake namen. Pero syempre magpacheck pa din sa doctor huh. Maaring okey samen, sa inyu ndi.
Our biggest take away sa mga na experience namen:
▪ God is good. All the time.
▪ Alagaan ang katawan. Healthy food, vitamins, Sleep early. Iwasang magbisyo.
▪ Despite positive yung swab test namen. Manatiling positibo sa buhay. Mabuhay ka ng marangal.
▪ Life is short para mag focus sa mga negatibong bagay.
▪ Hindi kawalan na nabawasan ka ng mga taong nakapaligid sayo. Ibig sabihin lang nyan, andyan sila sa mga panahon malakas ka at nasa taas. Pero sa panahon na mahina ka ay mga bigla silang naglaho.
QUESTIONS regarding COVID and VACCINATION.
1. Since vaccinated na ako, pero nagpositive ako sa covid. Need ko pa daw bang mag pa vaccine ulet? Some say na hindi na daw kailangan. Yung effect daw ng virus would be lessen since protected ako ng vaccine.
2. If nagkaroon ka naman daw ng covid, and gusto mong magpa vaccine. Ang sabi is after 2 weeks of recovery. Yung as in wala ka ng symptoms na nararamdaman.
▶▶▶ Not expert regarding this matter, tinanong ko lang din yan. If you have any idea, let me know.
_______________
✅✅✅
_______________
HZLNUTZS
Aug. 20, 2021
No comments:
Post a Comment