Friday, September 16, 2011

ANG HIWAGA NG MGA NAGLALAHONG TISYU

ANG HIWAGA NG MGA NAGLALAHONG TISYU


PAALALA:
  • Hindi lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay hango sa totoong buhay.
  • May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
  • Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
  • Ang lahat ng bida sa kwentong ito ay may student number na nagsisimula sa 2003. Ngunit pakatandaan, pare-parehas man ang kanilang student number, hindi sila magkakaedad.
  • Masayang pagbabasa..




ANG HIWAGA NG MGA NAGLALAHONG TISYU


            Ikalawang semester ng 2003, pinagamit na rin sa wakas sa publiko ang bagong tayong gusali sa loob ng pamantasan ni Luwalhati. Ang bagong gusali ay may anim na palapag, habang ang ikapito naman ay nagsisilbing helipad. Mayroong dalawang bagong elevator, isang modernong silid aklatan, malawak na klasrom na mayroong dalawang pintuan, platform para sa mga instructor, corridor, atrium, office, hagdan, AVR, canteen at comfort room.

            Lahat ay nasasabik na makatuntung sa bagong gusali. Mahigit tatlong taon rin ang tinagal ng construction para sa nasabing gusali.

            Ang mga kaibigan ni Margarita (maaring halos ng fine arts ay may ganitong pakiramdam.) ay tila hindi nasisiyahan sa kanilang paglipat sa bagong gusali. Masyado na silang napamahal sa bahay ni lola. Hinahanap hanap pa rin nila ang sariwang hangin na nagmumula sa malalaking bintana sa bawat silid. Muli nilang inaasam ang samyo ng bulaklak at ng mga damo, ang huni ng mga ibon, ang sabay sabay na pag-awit ng mga palaka, ang paghalik ng hangin sa kanilang pisngi, ang paghampas ng mga dahon ng puno sa bubong ng lumang gusali, ang mga yabag na nagmumula sa mga nagtatakbuhang studyante na humahangos sa pagpasok sa kanilang klase. Lahat ng ito’y napalitan ng modernong kagamitan, modernong pakikisalimuha.

            Ilang buwan din ang lumipas bago tuluyang natanggap ng karamihan ang nasabing pagbabago. Dinalaw dalaw na lamang nila ang lumang gusali tuwing nakakararamdam sila ng lungkot.

            Ang bawat lugar sa bagong gusali ay ginawa nilang kapakipakinabang. Katulad na lamang ng 5th floor, kung saan ang buong palapag ay ginawa nilang isang malaking drawing board. Ang pader naman ay ginawa nilang isang malaking painting. Ang mga upuan, lamesa ay hindi rin nakaligtas sa mga malikhain nilang kamay.

            Ang buong gusali ay pinalakad ng ibat ibang sangay ng organisasyon. Nariyan ang dekano, mga professor, sekretarya, mga estudyante, mga gwardya, at ang pinakamahalagang tao sa organisasyon ay ang mga pinlan. Sila ay isang sangay na tumutulong mapanatiling malinis at organisado ang lahat. Sila rin ang namamahala sa elevator, ang nagdidilig sa mga halaman at puno. Kung wala sila, isang malaking disaster ang buong pamantasan. Ang buong 5th floor ay malamang isang malaking freedom board.

            Masigasig nilang ginagawa ang kanilang trabaho. Ang ilan pa nga sa kanila ay kadikit ng mga estudyante. Kung nawawala ang isang myembro ng kanilang grupo; maari mo silang tanungin kung nakita ba nila o hindi, o kaya kung dumating na ba ang kinakatakutan professor.

            Sa bawat ginagawang gusali, naging tradisyon na rin ang pag-aalay. Minsan, naghahandog sila ng dugo *maaring dugo ng hayop katulad ng manok ang ihandog* para sa ikatitibay ng pundasyon, o para na rin sa mga nilalang na matagal ng naninirahan sa lupang pagtatayuan ng gusali. Hindi batid ng karamihan kung ano ang inalay sa gusali noong ito’y ginagawa pa lamang. Kaya kung ano anong espekulasyon ang lumabas.

            Kahit bago pala ang gusali, kahit na naalayan ito ng handog, hindi pa rin ito ligtas sa mga ispiritung gala. Kaya pagsapit ng dilim, palakasan ng loob ang bawat isa. Partikular ang mga gwardyang rumoronda sa buong pamantasan, ang mga pinlan na pinapanatiling nasa ayos ang lahat, at ang mangilan ngilang professor at estudyante na may pang gabing klase. Kaya kahit bago pa lamang ang gusali ay balot na ito ng hiwaga at misteryo.

            Ang mga espekulasyong at haka haka bumabalot sa bagong gusali ay naging sentro ng usapin. Ang iba ay ginawang libangan ang pagsasalin ng kwento, na kalaunan ay nadagdagan / nabawasan ang mga impormasyon na nababalot sa nasabing kwento. Ngunit, marami ang nagpatotoo sa nasabing kwento. Hindi lamang ito isang  imahinasyon, sapagkat marami ang nakaramdam ng kilabot na bumabalot sa mga haka haka.

Mayroon raw multo na hindi matahimik ang patuloy na gumagala sa bagong gusali. Naramdaman ito ni ate sa elevator, kung saan may pumindot daw ng button pababa sa ikalimang palapag. Pagdating sa nasabing palapag, ay tahimik na ang buong palapag, at ilang ilaw na lamang ang nakabukas, wala na rin siyang matanaw na tao. Sa hindi masabing dahilan, biglang tumindig ang kanyang balahibo, ang kanyang ulo ay tila lumalaki, at para bang may kung anung malamig ang dumapo sa kanyang balat. Tila isang pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Dali dali niyang isinara ang pintuan ng nasabing elevator. Ngunit may kung anung pwersa ang humahadlang sa kanya. Isang taimtim na panalangin ang kanyang pinakawalan. Sa pagkakataong ito, biglang sumara ang pintuan ng elevator. Ngunit parang may nakamasid pa rin sa kanya. Pagdating sa ground floor, dali dali siyang umalis sa elevator at naghanap ng kapalit.

            Sa isang banyo naman sa nasabing gusali, alas otso ng umaga, isang eksena ang nagpakilabot kay ate sa c.r.  Tandang tanda nya kase na habang naglilinis siya ng isang cubicle, ay tila may isang anino ang nagdaan. Hindi niya ito pinansin. Matapos malinis ang cubicle, nilagyan na nya ng refill ang lalagyanan ng liquid hand wash, at ang lalagyanan ng tisyu. Pagkatapos nyang gawin ito, ay nagtungo siya naman siya sa c.r ng lalaki upang alamin kung tapos na si kuya sa c.r na maglinis ng banyo ng lalaki. Wala pang limang minuto ang lahat, naisipan na nyang bumalik sa c.r ng babae. Laking gulat nya ng makita nyang halos kalahati na agad ang bawas ng tisyu. Dali dali siyang lumabas upang alamin kung may nagtungo na ba sa c.r. Ngunit wala siyang matanaw na kahit isang nilalang sa koridor. Biglang nanindig ang kanyang balahibo. Nalaala niya ang mga nakaraang usapan ukol sa multong di matahimik. Kaya napagpasyahan niyang lumabas ng c.r at maghanap ng makakasama.

            Hindi niya ikinuwento ang nangyari sa iba pa niyang kasamahan. Bugkos ay isinantabi niya ang takot na nadarama. Ala una ng hapon ang pagrerefill muli ng tisyu. Ibang ate naman sa c.r ang magrerefill. Katulad ng naunang eksena, isang nakakahindik na pangyayari ang naencounter ni ate. Dali dali siyang bumalik sa kanilang headquarter, at hinanap ang naunang ate na naglinis ng c.r. Magkatulad na magkatulad ang kailang kwento.

            Hindi lingid sa kaalamanan ng mga estudyante ang nasabing insidente. Umiikot sa buong pamantasan ang nakakahindik na experience nila ate sa c.r. Ang grupo ni Margarita ay isa sa mga unang nakabatid nito. Naging tampulan ng usapan nila ang mga pangyayari. Kanya kanyang pabida ng kanila teorya.

Sa lahat ng kaibigan ni Margarita, si Anne Marie ang pinakatakot. Sapagkat, lihim siyang pumapasok sa c.r ng babae kapag batid niyang walang masyadong tao sa corridor ng 5th floor. At doon, ay buong giliw niyang pinagmamasdan ang sarili habang nagbooty shake.

Binalak nila ate na h’wag muna nilang lagyan ng refill ang lalagyanan ng tisyu, sa lahat ng c.r sa bagong gusali. Ngunit tila galit ang kung anu mang elemento na gumagala sa gusali. Nandyan na may bungang pulbos sa mga salamin, at nakasulat ang katagang “TISYU”, o kaya naman ang tubig sa sahig, ay may nabuong salita na “TISYU REFILL”. Pati ang c.r ng panlalaki ay may mga gantong eksena.

Medyo gimbal na ang lahat sa mga kakatwang pangyayari. Ang iba, pinagbibintangan ang mga inosente para lamang may managot sa pangyayari. Si Domina, ay isa sa mga hindi nakaligtas na pinagbintangan. Si Anne Marie na kilalang may inis kay Domina ang nagkalat sa mahalay na isyu. Nangalap siya ng mga kakampi, at pinagkalat na si Sophia talaga ang may sala. Ang sabi pa nga ni Anne Marie, simula ng tumambay si Sophia sa Fine Arts ay hindi na natapos ang mga nakakagimbal na pangyayari. Kung tutuusin, may tama naman si Anne Marie, sapagkat kahina hinala ang mga kilos at motibo ni Sophia. Business Major siya, ngunit ang kanyang attendance sa lahat ng klase ng mga kaibigan ni Margarita, *kahit pagsama samahin pa ang lahat* ay kumpleto. Ngunit, dahil inosente si Sophia, hindi napatunayan ang mga mahahalay na paratang ni Anne Marie. Kaya patuloy pa rin ang pagtambay niya kasama ng mga kaibigan ni Margarita.

Katulad sa naunang pahayag, ang grupo ni Margarita ay mula sa dalawang grupo na pinag-isa. Nariyan ang mga “DIWATA” at ang “AMBUSAN”. Sa Diwata, kahit iilan lang sila ay hindi pa rin sila ganap na magkakaclose. Si Azula, ang pinakahuling myembro nito, at tanging si Teacher lamang ang kaclose niya. Ngunit, sa paglipat nila sa bagong gusali, naging kadikit nya si Margarita. Lubos itong pinagtakahan ng lahat.

May kung anung bagay ang nag-uugnay sa kanila. Nahuhuli din sila ng iba nilang kaibigan na tila nagbubulungan sila at may taktikang pinag-uusapan. Ngunit kahit anung gawin ng iba nilang kaibigan ay hindi nila mabatid kung anung meron sa dalawa.

Sobrang magkaiba ng kanilang ugali. Si Margarita ay ubod ng ganda at ang kanyang alindog ay kinahuhumalingan ng lahat. Nais din siyang ipirata ng ibang grupo. At ang kanyang mga tagahanga ay hindi mabilang. Sobrang daldal at napakaingay. Sa kabilang banda, si Azula ay isang payak na binibini. Taliwas sa maharot na ugali ni Margarita, siya naman ay tahimik at kung minsan ay nahihiyang makihalubilo sa iba. Kaya isang palaisipan ang kanilang pagsasanib pwersa.

Lumipas ang ilang taon, ngunit ang mga nakakagimbal na pangyayari ay nagpatuloy na nanakot sa karamihan. Partikular ang mga eksena sa banyo. Mas lalong naging malapit sila Margarita  at Azula sa isa’t isa. Ang mga kaibigan ni Margarita ay natakot na rin. Si Anne Marie ay nanghihinayang sapagkat hindi na niya napagmamasdan ang sarili sa pagbobooty shake.

Isang araw, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Habang ngarag na ngarag ang mga kaibigan ni Margarita kakagawa ng plate, sila ay nagkukulay gamit ang watercolor. Si Ashlee at Keppy ay nangailangan ng basahan o tisyu para ipunas ang excess water sa brush nila. Naghanap sila sa council ng mga retasong tela na mula sa mga nakaraan fashion events, ngunit karamihan sa mga telang  nandoon ay water resistant. Gumamit sila ng papel, ngunit hindi sapat ito para kuhanin ang excess water sa brush nila. Lumapit ang dalawa kay Margarita upang magtanung kung mayroon siyang basahan o tisyu. Ngarag na ngarag din ng mga panahon na yun si Margarita, kaya sinabi na lang niya na kumuha sa bag niya. Ngunit laking gimbal ng dalawa ng paghalwat nila ng bag ni Margarita, Ang mga nawawalang tisyu sa c.r ang bumulaga sa kanila. Napatakip na lamang sila ng bibig sa pagkabigla. Napuna ni Margarita ang kakaibang reaksyon ng dalawa. Bigla siyang tumayo. Si Azula na nasa ibang silid ay napasugod bigla. Nasesense nya na may paparating na gulo. Kinorner ni Margarita at Azula sila Ashlee at Keppy. Ang huli ay napaatras sa takot. Ninais nilang isiwalat ang katotohanan, ngunit sila pinagbantaan nila Margarita at Azula na kung ilalantad nila ang katotohan, “MAY KAMUKA SILA”. Sa sobrang takot nila, hindi na nila napagpatuloy ang kanilang paghahabol sa pagtapos sa Major Plate nila. Napatunganga na lang sila sa tabi. Napuna ng kanilang professor na tila may bumabagabag sa dalawa, kaya kahit hindi pa man oras ng Meryenda, ay napasabi na lang siya ng “MERYENDA TYM”. *kaboses si Michael V. habang sinasambit ito.*

Magkakasabay nilang pinuntahan sila Nicole, Anne Marie, Toni. G, at Brix sa ikalimang palapag. Hindi nila maihakbang ang kanilang mga paa sa sobrang nginig. Kaya hinila nila Margarita at Azula sila Keppy at Ashlee. Pagdating sa ikalimang palapag, sumilip lang si  Margarita sa bintana ng pintuan, at nakita na siya ng mga adver major. Dali dali na rin silang lumabas, ng hindi nagpapaalam sa kanilang professor. Nawalan na ng ganang kumain sila Keppy at Ashlee, ngunit bumili pa rin sila ng sangkaterbang chichi. Kaya masayang masayang nagmeryenda sila Margarita at Azula.

Lumipas ang ilang taon at nagtapos na ng pag-aaral ang tropa ni Margarita. Ngunit ang takot na nadarama nila Keppy at Ashlee ay nanatiling buhay sa kanilang puso’t isipan. Walang nakakaalam o nakakabatid ng misteryo ng pagkawala ng mga tisyu bukod sa kanilang apat. Tinangkang sabihin nila Keppy at Ashlee ang lahat ng kanilang nalalaman, ngunit sa tuwing nagkakaroon sila ng lakas ng loob, may nagtetext o kaya naman may nagwawall post sa kanila na “MAY KAMUKHA KA”. Ang hiwaga ng mga naglalahong tisyu ay natigil lang ng makagraduate na sila Margarita at Azula.



- WAKAS -


Inilathala ni:
Bb. LaBeouf
<쪴ቻ>09-13-2011</쪴ቻ>

Monday, June 13, 2011

PI-SA HAT

PI-SA HAT


PAALALA:
  • Hindi ito kathang isip, ito’y hango sa tunay na pangyayari.
  • May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
  • Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
  • Ang lahat ng bida sa kwentong ito ay may student number na nagsisimula sa 2003. Ngunit pakatandaan, pare-parehas man ang kanilang student number, hindi sila magkakaedad.
  • Masayang pagbabasa..




PI-SA HAT

            Ika-tatlong taon sa kolehiyo ng grupo ni Margarita. Sila ay tambak ng sangkatutak na plate. Halos gabi-gabi sila ay puyat. Sila ay nagpapaligsahan sa palakihan ng eyebag.

            Halos full load ang karamihan sa kanila. Hindi sila magkamayaw kakaaral. Sila’y pare-parehas na kumaha ng subject na History of Art upang magkakasama pa rin sila sa klase.

            Isang espesyal na proyecto ang inilaan sa klase. Sila ay kailangan pumunta sa U.P Bahay Tanghalan upang panuurin ang isang Indie Film na pinagbibidahan ni Ginoong Joel Torre. *Yung buong film ay walang sounds.. anu nga ba yun..?*

            Excited ang lahat lalo na ang grupo ni Margarita. Napagdesisyunan nila na magkita muna sila
sa Araneta Square
*na nasa bungad lang ng
Monumento Circle
(di pa gawa ang Victory Mall kaya sa Araneta muna sila nagtatagpo..)*

            Unang dumating si napakagandang Margarita. *Hindi na ito bago, sapagkat lagi naman siyang early bird* Lagpas sampung minuto ang kanyang ginugol kakaantay sa iba. Namumula na siya sa sobrang inis sapagkat late na ang iba sa pagdating *Ngunit mahirap idistinguish kung siya ba ay namumula sapagkat siya ay morena*  Malapit na siyang magwalk out ng sunod sunod ng dumating ang ibang miyembro ng grupo.

            Banas na banas pa din siya sapagkat ayaw niyang nakokumpromiso ang kanyang oras. Napansin kanyang grupo ang pagkainis nito. Si Anne Marie na presidente ng Ambusan ay kinausap siya. At sinabi ang Magic word at tuluyan ng nawala ang banas ni Margarita.

            Kompleto na ang lahat. Sa Ambusan present na sila Anne Marie, Brix, Toni G., Ashlee, Jolie. Sa Diwata naman sila Margarita, Keppy, Kawaii ay present na. Si Nicole na laging puyat kaka YM at isa sa pinakamalapit na bahay mula sa Tagpuan ay wala pa. Kung alas-diyes ang usapan. palang siya babangon sa kama. At tsaka pa lamang siya magkukumahog kumilos. Tinawagan nila ang landline nila Nicole, at napag alamanan na ito’y tulog pa. Napagdesisyunan nila na iwanan na lang si Nicole.

            Paalis na ng
Araneta Square
ang grupo ni Margarita ng isang pamilyar na mukha ang kanilang nakita. Si Sophia, na katatapos lang ang klase sa NSTP ay napadaan lng
sa Araneta Square
. Sa tagpong iyon ay si Anne Marie naman ang  banas na banas.

            Sumakay na ng Bus papuntang S.M North ang grupo, ngunit ang mukha ni Anne Marie ay hindi pa rin maipinta. Sinabihan na lang siya ng karamihan sa grupo ng magic word at nawala na rin ang banas niya.

            Pagdating sa S.M North, pumunta sila sa Terminal ng Jeep papuntang U.P Ikot. Maaga pa ng mga sandaling iyon kaya’t nag-antay pa ang lahat na mapuno ang jeep.

            Nang malapit ng umalis ang jeep, tumunog ang punelya ni Brix. Dali dali niya itong sinagot sapagkat ang volume nito ay nakalevel 5.

            Si Nicole na palaging late ang tumawag. Kasama niya si Karenkeng na lagi ring late sa kahit anu pa mang okasyon. Inaalam niya kung nasaan na ang grupo. Nakasakay na rin kase sila ng bus papuntang S.M North.

(Ilang detalye sa usapan nila Brix at Nicole)
Nicole: Asan na kayo.?
Brix: Nakasakay na kame ng jeep papuntang U.P. Asan ka na ba?
Nicole: Nasa may Balintawak na, antayin nyo na lng kame. Kasama ko si Karenkeng ee. Pogi ka naman ee..
Brix: Thank you, dahil jan kamukha kita. Pero nakabayad na kameng lahat ee.. Aalis na nga yung jeep ee..
Nicole: San ba yung sakayan papuntang U.P?

(Luminga linga muna sa paligid si Brix, at naghanap ng madaling tandaan na landmark)
Brix: Sa may Tapat ng Pizza Hut *Pi-sa hat ang kanyang pagkakabigkas*
Nicole: Saan?
Brix: Pizza Hut, Pizza Hut, Pizza Hut.

(Nagsasalita pa si Nicole ng nagpaalam na si Brix.)
Brix: Cge bye.

            At galit na tinapos ni Brix ang pakikipag-usap kay Nicole. At umandar na din sa wakas ang Jeep.

            Ang buong byahe ng magkakaibigan papuntang U.P ay napakatahimik. Hindi ito normal. Sapagkat nangyayari lang ito kapag sila ay gutom na gutom na. Bago sila umalis ay sila’y fully loaded pa. Anung nangyari?


BALIK – TANAW

            Habang nakasakay na ng jeep ang grupo, masayang masaya sila at sobrang excited ng makalargabay. Nang biglang tumawag si Nicole na walang malay kung paanong pumunta ng U.P.

            Habang nag-uusap sila Nicole at Brix ay patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang karamihan ng grupo sa isa’t isa. Nang binanggit na ni Brix ang landmark, hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang mga katagang binitawan nya. *Yung pi-sa hat na paulet ulet nyang binigkas* Halos lahat sila’y nagkatinginan at kanya kanya ng diskarte sa pagtawa. Si Margarita at Ashlee at palihim na tumawa . Ngunit si Anne Marie na kilalang matalik na kaibigan ni Brix ay hayagang ipinakita ang kanyang pagtawa.

            Okey lang naman kay Brix ang nangyari. Ngunit paulet ulet ang pagkantsaw ni Anne Marie at isang pasahero ang hindi na mapigilan ang pagtawa. Sa nangyaring iyon, sumimangot ng bongga si Brix. At tumahimik na lang siya.


BALIK SA KASALUKUYAN

            Halos mahigit tatlungpung minuto ang tinagal ng byahe. Sa mga sandaling iyon, ang kaninang masayang paglalakbay ay napalitan ng pagkamuhi, pagkapahiya at pagsisisi. Walang kumikibo sa grupo. Sila ay natatakot sa napakatalim na tingin ni Brix.

            Nang makarating na sila sa U.P Bahay Tanghalan, Dali daling lumakad si Brix pababa ng Jeep. Ang kanyang hakbang ay napakabilis. Halos hingal kabayo kakahabol ang iba niyang kaibigan. Ngunit pursigido si Brix na makalayo sa kanyang grupo.

            Nakita ni Brix ang grupo nila Pola Bratinela, Jabee, at Icar. Napansin nila Pola na nakasambakol ang mukha ni Brix, hindi na nila inalam ang nangyari at kinausap na lang nila si Brix. Sumama na siya kila Pola.

            Ang grupo naman nila Margarita ay kanya kanya ng sisi sa bawat isa. Matigas ang pagtanggi nila Margarita at Ashlee na sila walang ginawang masama. Sapagkat lihim ang kanilang pagtawa. Si Anne Marie ang tinurong pangunahing may sala sa nakakasindak na galit ni Brix. Ngunit sinabi niyang si Nicole na walang malay ang may kasalanan ng lahat. At ang buong grupo ay sumang-ayon sa sinabi ni Anne Marie.

            Dumating na ng U.P Bahay Tanghalan ang tunay na may sala sa galit ni Brix. Wala pa rin siya kamalay malay na may ginawa siyang nakakahindik na krimen. Siya ay nagulantang sa nangyari. Pinakwento niyang muli ang nangyari. Sobrang nanlulumo siya sa kanyang nagawang pang-aapi kay Brix.

            Halos hindi niya maintindihan ang kanyang pinanood sapagkat siya ay patuloy na nanlulumo sa nangyari. Gusto na niyang maiiyak. Siya na walang malay at nagtatanung lamang ng direksyon patungo sa U.P ay nadawit sa gulo.

            Nang matapos na ang film ay dali daling hinagilap ng grupo ang nanggagalaiting si Brix. Silay hihingi ng dispensa sa nagawang kasalanan. Ngunit hindi nila mahagilap si Brix. Nalaman na lang nilang ito’y sumama na sa pag-uwi sa grupo nila Pola Bratinela.

            Lunes, araw ng muling pagtatagpo ng nanggagalaiting si Brix at nang kanyang matatalik na kaibigan na hindi mapigilan ang paghalakhak ng binanggit nya yung pizza hut. Lahat ay nangangamba at nag-aasam ng pagpapatawad ni Brix.

            Unang bumati kay Brix ang kanyang mataliok na kaibigan na si Anne Marie ngunit bigo ang huli na siya pansinin ni Brix. Isa isa ng sumubok ang ibang myembro ng grupo na batiin si Brix. Ngunit lahat sila’y bigo na pansinin.

            Si Nicole na tunay na may sala sa malagim na krimen ang huling sumubok na batiin si Brix. *Ayun kay Anne Marie, ito raw ang talagang dahilang kung bakit nagalit si Brix. Kung hindi raw nagtanong si Nicole ay malamang okey pa rin si Brix*

            Lakas loob niya itong binati at nagulat na lamang siya at pinansin siya ni Brix. Ang iba’y muling sumubok na batiin si Brix, at alas. Pinansin na sila ni Brix. Naging masaya na muli ang mga kaibigan ni Margarita.

            Pero sa kabila nito, isang nilalang ang napagbalingan ng lahat ng galit ni Brix. Walang iba kundi ang kanyang pinakatatanging “BEST FRIEND FOREVER” na si Anne Marie.

            Kahit anung paliwanag ang gawin ng iba kay Brix hingil sa krimen naganap ay tila sarado na ang kanyang isipan na tanging si Anne Marie lamang ang puno’t dulo ng kanyang galit.

            Si Anne Marie na ang tanging kasalanan ay hindi mapigilang tumawa ay ngayong hinahantay ang muling paglambot ng puso ni Brix. Ninais niyang imessage si Brix sa Friendster, ngunit siya ay bigo. Sapagkat naka BLOCK-USER na naman siya kay Brix.


- WAKAS -


Inilathala ni:
Bb. LaBeouf
06-12-2011



PAHABOL SULAT:
  • Mga isang linggo rin bago tuluyang nagkabati ang dalawa.
  • Kapag sila’y nagkakabati na, nagtutuksuhan sila ng kung anu anung mapanirang salita laban sa isa’t isa. O kahit simpleng araw na nagkakasalubong sila, ang panlalait nila sa isa’t isa ay hindi mapigilan.
  • Sa kabila ng lahat ng away ng dalawa *syempre, hindi na mabilang kung ilang beses na sila nag-away at ilang beses na nilang binlock user ang isa’t-isa* patuloy ang iba nilang kaibigan na sila ay pagbatiin.



MENSAHE NG MAY AKDA:
  • Maligayang anibersaryo sa lahat ng myembro ng BERKADA.
  • Isa kayo sa pinakaimportanteng nilalang sa aking buhay, na tumulong humubog sa aking pagkatao.
  • Maraming salamat sa inyo *thru thick and thin nandyan kayo*. Mahal ko kayo. <3
  • Ang College days ko ay hindi lang masaya, ito’y walang katulad. Dahil yan sa inyo.
  • Maganda ka..!

Monday, April 11, 2011

ANNE MARIE: STUCK SA SILYA

ANNE MARIE: STUCK SA SILYA


PAALALA:
  • Taong 2007 naganap ang malagim na pangyayari sa buhay ng pangunahing karakter.
  • Hindi ito kathang isip, ito’y hango sa tunay na pangyayari.
  • May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
  • Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
  • Ang lahat ng bida sa kwentong ito ay may student number na nagsisimula sa 2003. Ngunit pakatandaan, pare-parehas man ang kanilang student number, hindi sila magkakaedad.
  • Masayang pagbabasa..




ANNE MARIE: STUCK SA SILYA

            Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palaging bida si Margarita. Minsan ang kanyang presensya ay sapat na para sa ikagaganda ng kwento.

            Isang nagbabagang tanghali, sa ikaapat na palapag. Isa sanang klase ang magaganap sa kwartong 404. Ngunit sa hindi mawaring dahilan ay nasuspende ang kanilang klase.

            Ang grupo ni Margarita ay masayang masayang nagbobondingan sa kwarto. Kalahati sa grupo ay tapos na kanilang plate sa textile. Habang ang iba naman ay nagkukumahog sa pagtapos ng proyekto. Applique ung plate nila.

            Isa na rito sa mga nagkukumahog ay si Margarita. Hindi niya nagawa ang kanyang plate sapagkat inuna na naman niya ang kanyang  pila pilang boyfriend’ssssss. Si Keppy na kanyang kakambal ay inuna ang pagpunta sa Paris para sa kanyang latest aksesoris. Si Kawaii ay hindi rin nakagawa, sapagkat nasabi ang kanyang napakahabang buhok sa wheels ng kanyang sasakyan. Kinailangan pa niyang magpunta sa parlor upang pagpaextension. Si Wong ay inuna ang pagyoyosi at paglaklak ng balde balding alak. Habang si Bangestra naman ay naempatcho kakakain ng century egg. Si Azula naman ay kinidnap ng mga mangyan ng minsan siyang umuwi ng mindoro. Sila ngayon ang mga nilalang na gusting itigil ang sandali upang matapos ang kanilang plate.

            Halos lahat ng miyembro ng Ambusan ay tapos na. Hindi ito kataka-taka. Sapagkat karamihan ng miyembro nila ay mga Achiever. Si Nicole na kilalang miyembro ng Diwata ay tapos na din. Halos lahat ay napamangha sa bilis gumawa ni Nicole.

            Napagdesisyunang maglaro nila Anne Marie, Nicole, Ashlee, Tony G., Jolie, at Brix ng Pinoy Henyo Berkada Version.

            Kanilang ginamit ang upuan ng kanilang professor. Sila’y maligayang maligaya at ang kanilang tawa ay dumadagundong sa loob ng kwarto. Hindi nila batid ang inggit ng iba nilang kasama sa kwarto. Mangilid ngilid ang mga luha nito. Patuloy ang kanilang paglalaro at paghalakhak ng bongga. Lahat ng napapadaan sa kwarto ay napapasilip sapagkat akala nila’y may party sa loob.

            Napakatagal ng inabot ng laru. Halos habulin nila ang kanilang hininga dahil sa kakaibang excitement  na dulot ng laru.
           
            Si Anne Marie ang magtatapos ng round. Ngunit tila bomba ang sumabog at lahat sila’y nakaisip ng hindi maganda kay Ann Marie. Nagkatinginan silang lahat. At alam na! Isang maitim na plano ang kanilang nagawa sa pamamagitan ng mga kurap ng kanilang mata.

            Si Ashlee ay dali daling kinuha ang original na laso na galing Amerika.  Ito’y gawa sa pinaghalong balat ng ahas at buwaya. Ito’y napakatibay. Si Nicole ay kinuha ang mga makukulay na sequence na pinabili niya kay Keppy ng ito magpunta ng Paris. Si Tony G. ay inilabas ang buhok ni Kawaii na nasabit saw hells. ANg hibla nito ay malaporcelana sa kintab. Si Brix naman ay hinanda ang lahat ng kanilang kailangan upang maisakatuparang ang maitim nilang plano. Habang si Jolie ay nilibang kunwari si Ann Marie. Kanilang pinagusapan ang Destiny’s Child, Lindsay Lohan, Boots *Yung guy na may malaking Tush* at ang escalator na hindi umaandar.

            Kanilang pinaupo si Anne Marie sa silya ng professor, Hindi nito batid na may uber sticky glue at malaporcelanang kintab ng buhok ni Kawaii ang nakalagay doon. Pinaupo nila si Ann Marie na tila sila’y sabik na sabik sa kanilang laro. Naramdaman ni Ann Marie na tila basa ang kanayang inupuan. Siya ay nagtanung sa grupo.

Anne Marie: Anu to.? Bakit basa..?
Jolie: Wala yan, maganda ka naman..
Anne Marie: Ahh okie.. Maganda ba ako.?
Brix: Maganda ka, ubod ng ganda.
Anne Marie: Simulan na. *Katono nya si Malaking bulas habang sinasabi nya ito.*

            Dinikit na nila ang papel na naglalaman ng kanilang pahuhulaan kay Ann Marie. Gamit ang Stapler, ngunit hindi ito batid ni Anne Marie sapagkat siya’y busyng busy kakaisip na nakasulat sa papel.

            Ginapos ni Ashlee si Anne Marie gamit ang orihinal na laso na gawa sa pinaghalong balat ng crocs at snake, na galing Amerika. Habang sinabit naman ni Nicole ang kanyang makukulay na sequence na pinabili niya kay Keppy ng ito’y mamasyal sa Paris. Nagtataka si Ann Marie bakit siya nilagyan ng palamuti. Binalak nyang magtanong ngunit naunahan siyang sumagot ni Jolie, “Maganda ka naman.” At siya ay napipi na lang. At inenjoy ang pagsabit ng Sequence.

            Binuksan ng bonggang bongga ni Ashlee ang pino ng kwarto. Habang si Brix naman ay hinila ang upuan kung saan nakaupo ang walang kamalay malay  na si Ann Marie palabas ng kwarto patungo sa mga etchuserong chismosa. Halos lahat ng Fine Arts Students ay nasaksihan ang malagim na sinapit ni Anne Marie. Sila ay nahabag ngunit hindi nila matulungan si Anne Marie. Ang grupo ni Margarita ay napatulala sa bilis ng pangyayari. Ninais nilang tulungan si Anne Marie, ngunit isang suntok ang sumalubong sa kanilang mukha.

            Tila napakatagal ng sandaling iyon kay Ann Marie. Ang dalawang minuto ay tila dalawang taon. Siya ay habag na habag sa kanyang sarili. Kumawala na ang luha na kanina pa nagbabadya sa mga mata ni Ann Marie. Naiyak din ang lahat ng Fine Arts Students, ngunit wala silang magagawa sapagkat parang kamag-anak ni Manny Pakyaw ang mga may sala. Konting kilos lamang nila ay sinasalubong sila ng mga kamao nito.

            Si Nicole na kasama na nagplanu ng hindi maganda kay Ann Marie ay tila nahabag. Kanyang hinila pabalik ng kwarto ang upuan ni Ann Marie.

            Nakakuha ng tiyempo si Anne Marie. Naispotan niya ang rosas na gunting ni Margarita. Dali dali niyang ginupit ang laso ni Ashlee. Sobrang nahirapan siyang gupitin ang laso, ngunit siya ay pursigido na makawala sa pagkakagapos sa kanya sa upuan.

            Nang si Anne Marie ay nakakawala mula sa pagkakagapos, laking takot ng mga may kasalanan. Sila’y napabalikwas sa kanilang kinaroroonan. Binalak nilang tumakbo, ngunit hinarang sila ng mga Fine Arts Students. Naabutan sila ng nanggagalaiting si Anne Marie. Si Ashlee, Tony G. Jolie, Brix ay isa isa niyang hinulog sa Atrium. Si Nicole na naglast minute back out sa maitim nilang planu nila Brix ay hinulog ni Anne Marie sa ikatlong palapag. Si Sophia na napadalaw lamang sa Fine Arts ay kanyang hinulog din sa Atrium. Ang galit na naramdaman ni Anne Marie ay hindi maihahanlintulad sa nagpupuyos na dragon.

            Lumipas ang araw, linggo at buwan ngunit hindi pa rin napapatawad ni Anne Marie ang karamihan sa may kasalanan sa kanya.

            Lubos ang pagsisisi ng mga may sala, kanilang inamo at humingi ng tawad kay Anne Marie. Ngunit sing tigas ng diamante ang puso nito.

            Matagal ngunit naging mailap ang pagpapatawad sa bokabolaryo ni Anne Marie. Gumawa na ng aksyon ang grupo ni Margarita, kung hindi ay maaring masira ang kanilang tropa.  Kinausap ni Margarita si Anne Marie at sinabi na kung hindi mu sila mapapatawad ay may kamukha ka. At hindi ka maganda. Nayanig ang mundo ni Ann Marie, at dali daling lumambot ang kanyang damdamin. Nang muling humingi ng tawad ang mga may kasalanan ay agad niya itong pinatawad.

            Si Brix ay hindi makayanang patawarin nig Anne Marie. Katwiran ng huli, magbestfriend sila, ngunit nagawa pa rin ni Brix ang malagim na plano sa kanya.

            Lihim na naghihiganti si Anne Marie kay Brix. Aayain nya ang buong tropa na kumain ng Barsi sa Mama Lengs. Sagot niyang lahat ng gastos. Pati ang Mountain Dew na nilalagyan ng tubig upang dumami. *Ang teknik na ito ay mula sa unang reyna ng Ambusan*. Hindi inaaya ni Anne Marie si Brix.

            Lubos ang pagsisisi ni Brix. Hindi niya alam kung paanong paraan at anung salita niya mapapalambot ang nanggagalaiting puso ni Anne Marie. Hindi siya pumasok ng ilang araw, sa pag-aakalang mag-aalala si Anne Marie sa kanya. Ngunit siya ay bigo.

            Lahat ng kanyang pag-aasam na magkaayos sila ni Anne Marie ay napalitan ng galit at pagkamuhi kay Anne Marie. Galit na galit na siya at nagsisisi kung bakit hindi niya inilibot si Anne Marie sa buong Tan Yan Kee habang ito’y nakagapos sa silya.

            Sila ay may klase sa Textile ng mga sandaling iyon. Dali daling tumayo si Brix sa upuan at nagpaalam sa kanilang professor na magccr lamang. Kumuha siya ng barya at nagkukumahog sa pagsakay sa elevator. Siya ay tumakbo palabas ng unibersidad. Ang kanyang pawis ay butil butil. Ang kanyang mata ay naniningkit sa galit. Nagtungo siya sa E-miles at nagrent ng kompyuter. Dali dali nyang binuksan ang kanyang Friendster at doon ay kanyang binlock user si Anne Marie. Isang ngiti ang kumawala sa labi ni Brix sa kanyang matagumpay na pag boblock user kay Anne Marie.



-WAKAS-


Inilathala ni
Bb. LaBeouf
04-09-2011




PAHABOL:
  • Ito'y hango sa tunay na pangyayari. Dinagdagan na lamang ng ibang kwento para na rin sa Aesthethical purposes ng kwento.

Wednesday, March 9, 2011

ANG MGA KAIBIGAN NI MARGARITA

ANG MGA KAIBIGAN NI MARGARITA


  • Hi kay Pareng BOB ONG. Alam mo yan, ikaw lamang ang aking idolo sa pagsulat. Simula ng ako'y nasa highschool ninais ko ng magkaroon ng iyong libro. Kaya ng ako'y pinalad, naunti unti ko ang pagkolekta ng iyong libro. Mahal talaga kita, kahit na hindi ko alam ang itsura mo. Ikaw ay aking sinasamba. *kembowt*

 

ANG MGA KAIBIGAN NI MARGARITA

Hunyo ng taong 2003, unang taon sa kolehiyo ni Margarita. Siya ay kumuha ng kurso Fine Arts Major in Interior Design. Hindi siya magaling magdrawing pero kinuha pa rin nya ang kurso, sa kadahilanan ng siya ay nasa highschool pa lamang, malakas na ang bilib nya sa sarili lalo na sa pagguhit. Sa katunayan, myembro siya ng Art Club. BIlib na bilib siya sa kanyang anking talento. May pagkakataon, na pinagawa sila ng logo, ngunit ang kanyang ginawa ay si Buttercup ng Power Puff Girls na kumakain ng sorbetes. Simula nun, sobrang humanga na siya sa sarili nya. At nagdesisyon na kuhanin ang kursong Fine Arts.

Kumuha siya ng talent test, kaso alas diyes pasado na siya dumating. Kaya ipinagpaliban ang pag guhit at iniresked sa ibang araw. Bitbit ang monggol 2, puting kartolina at pambura, tumaggal ng mahigit dalawang oras ang pag-guguhit. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi siya magaling gumuhit, malakas lang ang bilib nya sa sarili nya. Hindi niya alam panu sisimulan ang pagguhit. Punong puno ng imahinasyon ang kanyang isipan. Alam nya kong paano ang gagawin, ngunit hindi naman nya magawa.  Matatapos na ang oras ngunit ang kanyang pagguguhit ay nasa kalahati pa lamang. Kanyang minadali ang pagguguhit at pinasa sa instruktor. Gumuho ang kanyang mundo sa nangyari. Maliit ang tsansang niyang pumasa dahil sa hindi maayos na pagguguhit. Lumipas ang sandali at ang oras ng paghuhukom ay ihahayag na.

Kinausap siya ng dean at tinanong kung saan ang kanyang lokasyon. Nagulantang na lamang siya at sinabing pumasa raw siya. Ang kanyang mga luha ay nangingilid ngilid sa sobrang kasiyahan.

Nang unang araw ng klase, hindi agad siya nakapasok sa kanyang unang subject. Nakiseat-in siya sa klase ng ate niya na kumukuha ng kursong Business Administration. Natatakot siyang makihalubilo sa mga tao.

Sa bahay ni Lola nagaganap ang mga klase. Sila ang huling batch na gumamit ng Bahay ni Lola. Sila naman ang unang batch na gumamit ng Tan Yan Kee Bldg. Ang bahay ni lola ay napapaligiran ng nagtataasang puno, kulisap, kuliglig, higad, damo.  Kung maalinsangan ang panahon ay ramdam ng bawat estudyante, professor sapagkat hindi sapat ang bentilador sa klase. Kung umulan naman ay naaangihan ka sapagkat ang ibang bintana ay hindi maisara. Ang mga yabag, kalabog ng mga paang nagtatakbuhan at naglalakad ay rinig na rinig sapagkat kahoy ang sahig. Kung inabot ng gutom ay ilang hakbang lamang ay matatagpuan mu ang tindahan ng mojos at float. Kapag batong bato na sa klase ay maaring humilata, tumakbo, magbunot ng damo, magluksong baka, habulan rape-an, wrestling sa field na ilang hakbang lamang sa bahay ni lola..

Pumapasok araw araw, bitbit ng T-square, P.E uniform, libro, notebook, lapis na ibat iba ang kulay, brush, water color, canvas board, canvas bag, illustration board, oilpaint, techpen, mechanical pencil, colored pencil, calculator, yellow paper at napakarami pang iba na tila bitbit na nila ang kanilang bahay. Hindi kasya ang T-square sa locker kaya wala silang choice kundi bitbitin ito araw araw.

Naging mahirap kay Margarita ang unang linggo ng klase. Bukod sa mahiyain siya, ay sobrang takot pa siyang mag approach ng tao. Una nyang nakapalagayan ng loob ay si Nicole. Sumunod si Jolie. Si Keppy, Kawaii, at si Teacher.  Ngunit si Aki ay naligaw ng landas, mas pinili nya ang kabilang grupo.

Ang grupong ito ay tinawag na "MGA DIWATA NI GNG. LEYSON"; dahil bukod sa angkin kagandahan, husay sa pag- guhit, at pag dedesign, ay sobrang gagaling din nilang sumayaw. Unang taon pa lamang nila sa kolehiyo ngunit subrang aktibo na nila sa lahat ng event ng pamantasan.

Ang kabilang grupo ay tinawag na "AMBUSAN". Kinabibilangan ng mga sputnik na myembro. Evans, Lucy, Tony G., Ashlee, Brix, at ang palipat lipat na si Joliei. Kabaligtaran sila ng Mga Diwata ni Gng. Leyson. Sobrang inggit nila sa mga diwata. Sa katunayan, 2 sa kanilang myembro ang palaging umaatend ng practice ng sayaw para sa nalalapit na foundation ni Luwalhati, ngunit hindi naman talaga sila sasayaw. Sila ay mga ispiya.

Tuwing dumadaan ang mga DIWATA, sila'y nagtatakip ng tengga. Ganun na lamang kasidhi ang inggit na nadarama nila para sa mga DIWATA. Ang pinuno ng grupo ay sobra ang inggit, yamot sa mga DIWATA. Lahat ng paraan ay kanilang ginawa upang mapabilang sa grupo ngunit sila'y bigo. Ang grupong ito naman ay kinabibilangan ng pinakamahuhusay sa akademik, malulupit gumuhit at pinakamaharlika sa kanilang batch. *May hacienda ang isang myembro sa Olongapo, ung isa may palaisdaan sa Valenzuela, may fishport sa Navotas ang isa*

Karamihan sa myembro ng DIWATA ay Interior Design major, mangilan ngilan lamang ang Advertising Arts major. Kabaligtaran ng AMBUSAN na halos lahat ay Advertising major, 2-3 lamang ang Interior Major.

Lumipas ang ilang semestre at ang dalawang grupo ay tila hindi pa rin nagkakasundo. Mailap sila sa isa't isa. Kasabay nito ay ang pagkonti ng population ng Interior Design major. Nang una, mahigit dalawangpu ang estudyante, kalaunan ay naging 7 na lamang sila. Doon tila sila'y binuhusan ng malamig na tubig. Narealize nila na kailangan na nilang makisalimuha at makipagkaibigan sa ibang grupo.

Doon nagsimulang magsanib pwersa ng dalawang grupo. Nang una'y silay ilang na ilang sa ibang myembro. Tila hirap na hirap sila sa bagong sitwasyon nila. Pinilit nilang makisalimuha sa isa't isa. Mahirap ngunit kalaunan natanggap na rin nila ang isa't isa.

Doon na rin nagsimula ang kalbaryo ng buong Fine Arts Community. Ang bagong sanib na grupo ay tinawag na OLGURLZS / BERKADA. Kung nung una sila'y inis na inis sa isa't isa, ngayon sila'y kinaiinisan ng lahat. Dahil ang pinakamagaganda, malulupit sa pag-guhit, mahusay sa sayaw, attractive sa bading ay nagsama sama. Napakaiingay nila kung sila'y magkakasama, sa katunayan napagbawalan silang pumasok ng STUDENT COUNCIL na makikita sa ikatlong palapag ng TYK Bldg, dahil nga sobrang ingay nila.

Pinakagusto nilang oras ay hapon. Doon sila'y nagkakasama samang lahat. Ang buong klase ay nalilimas. Tanging ang professor at mangilan ngilang estudyante na lamang ang natitira. Hindi nila batid ang oras pag sila'y sama sama na. Tatlongpung minuto na lamang bago matapos ang subject, saka pa lamang sila babalik sa klase. Ang kanilang tambayan ay ang napakalawak na field ni Luwalhati. Doon sila humihilata, nagbubunot ng damo, nagtatakbuhan, at kung anu anu pa. Kapag sobrang tirik ng araw o sobrang lakas ng buhos ng ulan sila'y nagtutungo sa Council. Ang kwarto ay nag-aamoy suka dahil sa kanila. Paborito nilang latakan ang Chicken neck, footlong, Chippy red, tokneneng, fried siomay, ihaw ihaw at napakarami pa.

Tuwing uwian naman, nakagawian na ng grupo ang maglakad simula sa pamantasan patungo ng monumento. Damang dama nila ang bawat hakbang na kanilang ginagawa. Gustong gusto nilang dumaan ng Transmetal, kung saan si Margarita ay tila nasa langit sa sa sobrang kagalakan.. Gustong gusto kase nya ang mga nagpapraktice na banda roon. Minsan napapasama sa kanilang walkaton ang mga taga Navotas na si Ashley at si Bangestra. Kung iisiping mabuti, mukha silang tanga sapagkat salungat ang tinatahak nilang daan. Pag dating sa monumento, sasakay silang pabalik ng Navotas kung saan muli nilang madadaanan si Luwalhati. Tila isang palaisipan ito hanggang ngayon.

Si Margarita ay ang pinagpipitagan ng grupo. Ang kanyang alindog ay kinaiingitan ng lahat. Kapag siya ay naglalakad, lahat ay napapatigil. Lahat ay gustong makasulyap sa kanyang ganda. Lahat ay ninanais na siya ay maging kaibigan. Dahil ang makasama siya ay tila langit sa lupa. Simpleng babae na may malawak na imahinasyon at pangarap. Mahilig siyang magpunta ng banyo. Hindi para umihi, para mag-ispot. Siya ay mayroon napakaraming boylet. Si Pototoy, Pablo, Paquito, Painter, Player, Padder, Pantot, Pag-ibig, Pula, Pink at napakarami pa.

Si Keppy ay tila lapitin ng krimen. Ang kanyang dugo ay kulay berde. Madalas siyang maholdup. Ngunit hindi nya ito batid. Minsan nahold up sya habang pauwi na galing sa Intramuros. Nanenok ang kanyang cellphone. Naholdup din sya habang tumatawid ng foot bridge. Pag pasok nya ng unibersidad, siya ay masaya pa. Nakuha na nga ung cellphone nya ngunit siya ay kinilig pa. Ang kanilang professor ay nag-aalala sa kanya, gayundin ang buong tropa. Hindi siya pumasok sa unang klase. Tumambay siya ng Council. Pag dating ng grupo siya ay inalo, binuod nya ang buong pangyayari. At bandang huli, sinabi nya "BUTI NA LANG POGI UNG HOLDAPER."

Si Nicole ay sinasamba ng mga kalalakihan. Kinamumuhian naman siya ng mga kababaihan. Kung titignan mo siya, parang siyang maamong tupa. Ngunit sa likod ng kanyang maamong mukha, ay ang nakakahindik na sakit. Hindi ito nagagamot ng kung ano pa mang medisina. Bigla bigla na lamang siyang mangingilag sayo. Magtataka at magdaramdam ka dahil wala kang ideya anung problema niya sayo. Tila sampal naman ang mapait na katotohanan. Ang iyong mukha, ay kanyang pinagsawaan. Kahit siya ay hindi rin niya maintindihan ang kanyang karamdaman. At wala pala talagang nakakaintindi ng sakit niya.

Si Kawaii ay ang ga-dyosa ng grupo. Ang kanyang buhok ay napakahaba, halos matapakan mo na. Kapag magkakasama ang tropa agad mo siyang makikita. Napakahusay sa pag-guhit. Sa katunayan, sobrang bestfriend siya ni Margarita at ni Keppy, lalo na sa Freehand drawing. Kasyoso sila ng isang malaking mall sa Valenzuela.

Si Brix ay ang pinakamatikas na myembro ng grupo. Ang bawat salita niyang nagiging alamat. Kung pumorma ikaw ay mapapatingin sa kanyang istilo. Ang unipormeng suot nya ay sa kanyang nakakabatang kapatid. Pagkakatiwalaan ka nya sa isang nakakahindik na sikreto. Tanging kayo lamang raw ang nakakaalam. ngunit ang buong tropa ay kanyang sinabihan.

Si Anne Marie ang pambato ng grupo. Dahil literal syang pinangbabato ng grupo. Ang kanyang mga banat ay sagad hanggang buto. Kapag siya ay naglalakad ikaw ay mapapa OH OH OH OH OH, dahil ang kanyang booty ay kumekembot. Ang kanyang matalik na kaibigan ay si Brix, ngunit palagi silang magkaaway. Hilig din rumampa sa field, kaya pag-uwi nya ang kanyang bag ay puno ng damo. Ngunit ikaw ay mag-ingat, kapag siya ay iyong ginalit, magdidilim ang iyong mundo.

Si Ashlee ay ang pinakasuplada sa grupo. May-ari sila ng fish port sa Navotas. Ang kanyang banat ay katulad ng kay Lucy. Tagos hanggang buto. Mahilig sa Fashion, Musika at kung anu anu pa. Sobrang iniidolo nya si Margarita. Kanyang ginagaya ang lahat ng dinedesign ni Margarita. Sa katunayan, ang kanilang professor ay pinaghiwalay na sila ng upuan. Ngunit dahil sobrang iniidolo nya si Margarita ay magkasingtulad pa rin ang kanilang gawa.

Si Tony G. ay may kakaibang alindog. Ang kanyang ganda ay sobrang benta sa bakla. Kanyang naamoy kung ito ay kanyang kauri. Ngunit huli na bago nya malaman na bakla pala ito. Siya ay napakahusay sa akademic. Katunayan, siya ay isang achiever. Palaging nakangiti, kahit anung pangyayari. Kahit siya ay mag-isa lamang siya ay nakangiti pa rin siya. Hindi mo siya makikitang inaantok, kase siya ay palaging nakadilat.

Si Jolie ay ang pinakabalimbing sa grupo. Palipat lipat siya. Kung sino ang sikat doon siya sumasama. Napakalaking pagsisisi nya ng sumama sya sa Ambusan. Dahil ng nangyari yun, mas lalong sumikat ang mga Diwata. Nawalan na siya ng ganang mag-aral. Halos araw araw siyang umiinom sa Bestfriend, kung humithit ng yosi ay pakepakete. Ayaw na nyang pumasok, sapagkat araw araw nyang nakikita ang kaniyang kamalian. Kung hindi dahil sa udyok at suporta ng bagong grupo, tuluyan ng maliligaw ang kanyang landas. Ang pagsasanib pwersa ng bagong grupo ang isa sa pinakamasayang sandali sa buhay ni Jolie. Kahit na ang pinakamagagaling na pintor sa Pamantasan, kahit si Sir Uy ay hindi maipinta ang galak sa kanyang mukha. Siya ay sobrang naliliho sa escalator na hindi umaandar. Kapag pumapasok siya, isang maliit na paper bag lamang ang kanyang dala. Laman nun ay ang kanyang Headset.

Si Bangestra siya ay NBSB. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Totoo yan. Sobrang pihikan nya sa mga kalalakihan. Hindi mo siya agad mapapansin, ngunit kapag siya ay nagsalita. Sabog ang eardrums mo. Sobrang tinis ng boses nya. Parang hinugot kung saan. Matalik nyang kaibigan si Chuwix. Sa kalokohan sila'y nagkakasundo. Nang minsan magkaayaan ang tropa na umakyat ng bundok. Ang buong grupo ay kontodo-porma. Nang siya ay dumating, tanging dala nya ay shoulder bag. At siya ay naka high heels.

Si Teacher ay isa sa pinakamahusay sa klase sa Interior. Ngunit pangalawa lamang siya sa husay at alindog ni Margarita. Sinasamba nya ang ganda ni Margarita. Siya ay naging presidente ng isang samahan na para lamang sa mga Interior. Pero hindi ko mawari bakit may mga nakapasok na Advertising major sa organization. Ang posisyon nya bilang presidente ay unang tinangihan ni Margarita. Mas gusto nyang maging Ingat Yaman . Nang minsan may event sa pamantasan, habang abala si Teacher sa pag-aasikaso ng kanilang booth, si Margarita, sampu na kanyang Berkada ay masayang masayang nagkukwentuhan,. Hinanap nya ang mga myembro ng kanyang organization sa napakalawak na field ni Luwalhati. Umaakyat ang dugo niya sa ulo ng makita na masayang nagkukwentuhan ang mga myembro ng kanyang organization. Dali dali nyang binuksan ang pinto sabay sabi "HINDI PA BA KAYO BABABA?"

Si Azula ang better half ni Teacher. Palagi silang magkasama kahit saan sila magpunta. Para na nga siyang anino ni Teacher. Palagi siyang inaapi ni Margarita at ng kanyang ubod ng ganda na kambal. Hindi niya batid anung kasalanan niya sa kambal. Si Teacher lamang ang kanyang nagiging sandigan. Naging kakampi nya ito sa pagpuksa sa mapang-aping kambal. Si Oleg ang kanyang irog. Ngunit si Oleg at Margarita ay may pagtingin sa isa't isa. Ngunit dahil sa daming kalalakihan ni Margarita, nagpaubaya na siya kay Azula.

Si Machete ang nag-iisang rosas sa Interior Design Major. Lahat ng kasabayan nyang lalaki sa klase ay nagdrop na. Siya ang pinakamatipu at pinakapoging kapatid ni Margarita. Siya ay napagkakamalang bakla sapagkat namumukod tanging lalaki sa klase. Halos lahat ng kalalakihan ay matindi ang poot sa kanya, sapagkat napapaligiran siya ng pinakamagaganda at pinakaseseksing dalag sa pamantasan. Ang relasyon niya kay Margarita bilang magkapatid ay binibigyan dungis ng karamihan. Kapag sila'y nabubuset sa isa't isa, kumakain sila ng mani at sabay "APPUUUUUU"... Sila ay nagduduraan.


Si Wong ang unang biktima ni Nicole. Walang kamalay malay ang kawawang nilalang na ito na siya pala ay napabilang na sa libo-libong biktima ng nakakahindik na sakit ni Nicole. Hindi niya sukat akalain na pakikipagbiruan kay Nicole ay magiging sanhi ng napakasaklap na pangyayari. Sa mga pangyayaring ito, nasira ang buhay ni Wong. Tinangka niyang tumalon mula sa helipad ng Tan Yan Kee patungo sa napakalawak na field ni Luwalhati. Kung hindi siya nakita ng mga nagrorondang gwardya, malamang sa malamang natuloy ang kanyang balak. Nagalit ang buong grupo kay Nicole sa pangyayari. Kinuyog siya at sinabit sa nagtataasang puno. Kung paano siya nasabit sa puno ay hindi ko na alam.

            Si Henrieth ang musikera ng grupo. Matalik siyang kaibigan ni Bangestra, ang nilalang na sobrang ingay. Mahilig siyang kumain ng Loaded na tanging siya lang ang may gusto. Halos araw araw siyang kumakain nito. Sinubukan ng grupo na kumain nito, ngunit hindi nila nagustuhan. Nang aming ikatlong taon sa kolehiyo, sumali sya sa isang event sa pamantasan. Ginawa siyang modelo ng isang professor. Habang ang nagkaklase ang Interior Design, andun siya sa baba ng atrium rumarampa. Ng siya na ang rarampa, naubos ang laman ng kwarto. Lahat ay naghihiyawan sa kanyang pagrampa. Kahit ang professor na hindi nag aproba sa kanya ay napalabas na din ng kwarto.

Si Ann Sumin. Kilala nyo pa ba sya..? Isa siya sa pinakamatalik na kaibigan ni Margarita. Isa siyang Koreana na nag-enrol sa pamantasan. Sobrang lupit niyang gumuhit. Ang tatlong sesyon ng drawing ay isang upuan nya lang. Ang kanyang kahanga hangang talento ay nagpalapit sa kanila ni Margarita. Si Margarita ang namumukod tanging translator ni Ann Sumin. Bukod kase sa kanilang dalawa, wala ng ibang nakakaintindi sa kanila.

Si Sophia, ewan ko lang pano siya nasama sa kwentong ito. Sa totoo lang, hindi naman siya Fine Arts. Pero dahil ng unang panahon, sila ay magkaibigan ni Bangestra. Pinakilala siya sa grupo. At simula nun, palagi na lamang siyang tumatambay at nakikisama sa OLGURLZS. Kapag siya ay dumadating nasisira ang napakagandang araw ni Anne Marie. Pinapaalis nya ito na wari bang siya ang may-ari ng pamantasan. Mahilig din siyang sumali sa prusisyon.

Sila'y pilit pinaghihiwalay ng kanilang kapwa estudyante, professor sapagkat ang kanilang pagsasama ay tila hindi na nakakabuti para sa isa't isa. Ngunit tila sila'y pinagbuklod na ng panahon. Walang sinuman at anu pa man ang maaring makapaghiwalay sa kanila. Tila pinagbigkis na ang kanilang pusod..

Nagdaan ang  maraming taon, ngunit ang grupo ay naging matatag. Anu mang trahedya ang kanilang makasagupa, sabay sabay nila itong hinaharap. Kapag sila ay nagkakasama sama, binabalikan na lamang nila ang mga nakaraan na nagpatatag sa kanila. Handa na rin sila sa paparating na kinabukasan at sabay sabay nila itong haharapin..


-WAKAS-


Inilathala ni
Bb. LaBeouf
03-01-2011





ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...