PI-SA HAT
PAALALA:
- Hindi ito kathang isip, ito’y hango sa tunay na pangyayari.
- May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
- Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
- Ang lahat ng bida sa kwentong ito ay may student number na nagsisimula sa 2003. Ngunit pakatandaan, pare-parehas man ang kanilang student number, hindi sila magkakaedad.
- Masayang pagbabasa..
PI-SA HAT
Ika-tatlong taon sa kolehiyo ng grupo ni Margarita. Sila ay tambak ng sangkatutak na plate. Halos gabi-gabi sila ay puyat. Sila ay nagpapaligsahan sa palakihan ng eyebag.
Halos full load ang karamihan sa kanila. Hindi sila magkamayaw kakaaral. Sila’y pare-parehas na kumaha ng subject na History of Art upang magkakasama pa rin sila sa klase.
Isang espesyal na proyecto ang inilaan sa klase. Sila ay kailangan pumunta sa U.P Bahay Tanghalan upang panuurin ang isang Indie Film na pinagbibidahan ni Ginoong Joel Torre. *Yung buong film ay walang sounds.. anu nga ba yun..?*
Excited ang lahat lalo na ang grupo ni Margarita. Napagdesisyunan nila na magkita muna sila sa Araneta Square *na nasa bungad lang ng Monumento Circle (di pa gawa ang Victory Mall kaya sa Araneta muna sila nagtatagpo..)*
Unang dumating si napakagandang Margarita. *Hindi na ito bago, sapagkat lagi naman siyang early bird* Lagpas sampung minuto ang kanyang ginugol kakaantay sa iba. Namumula na siya sa sobrang inis sapagkat late na ang iba sa pagdating *Ngunit mahirap idistinguish kung siya ba ay namumula sapagkat siya ay morena* Malapit na siyang magwalk out ng sunod sunod ng dumating ang ibang miyembro ng grupo.
Banas na banas pa din siya sapagkat ayaw niyang nakokumpromiso ang kanyang oras. Napansin kanyang grupo ang pagkainis nito. Si Anne Marie na presidente ng Ambusan ay kinausap siya. At sinabi ang Magic word at tuluyan ng nawala ang banas ni Margarita.
Kompleto na ang lahat. Sa Ambusan present na sila Anne Marie, Brix, Toni G., Ashlee, Jolie. Sa Diwata naman sila Margarita, Keppy, Kawaii ay present na. Si Nicole na laging puyat kaka YM at isa sa pinakamalapit na bahay mula sa Tagpuan ay wala pa. Kung alas-diyes ang usapan. palang siya babangon sa kama . At tsaka pa lamang siya magkukumahog kumilos. Tinawagan nila ang landline nila Nicole, at napag alamanan na ito’y tulog pa. Napagdesisyunan nila na iwanan na lang si Nicole.
Paalis na ng Araneta Square ang grupo ni Margarita ng isang pamilyar na mukha ang kanilang nakita. Si Sophia, na katatapos lang ang klase sa NSTP ay napadaan lng sa Araneta Square . Sa tagpong iyon ay si Anne Marie naman ang banas na banas.
Sumakay na ng Bus papuntang S.M North ang grupo, ngunit ang mukha ni Anne Marie ay hindi pa rin maipinta. Sinabihan na lang siya ng karamihan sa grupo ng magic word at nawala na rin ang banas niya.
Pagdating sa S.M North, pumunta sila sa Terminal ng Jeep papuntang U.P Ikot. Maaga pa ng mga sandaling iyon kaya’t nag-antay pa ang lahat na mapuno ang jeep.
Nang malapit ng umalis ang jeep, tumunog ang punelya ni Brix. Dali dali niya itong sinagot sapagkat ang volume nito ay nakalevel 5.
Si Nicole na palaging late ang tumawag. Kasama niya si Karenkeng na lagi ring late sa kahit anu pa mang okasyon. Inaalam niya kung nasaan na ang grupo. Nakasakay na rin kase sila ng bus papuntang S.M North.
(Ilang detalye sa usapan nila Brix at Nicole)
Nicole: Asan na kayo.?
Brix: Nakasakay na kame ng jeep papuntang U.P. Asan ka na ba?
Nicole: Nasa may Balintawak na, antayin nyo na lng kame. Kasama ko si Karenkeng ee. Pogi ka naman ee..
Brix: Thank you, dahil jan kamukha kita. Pero nakabayad na kameng lahat ee.. Aalis na nga yung jeep ee..
Nicole: San ba yung sakayan papuntang U.P?
(Luminga linga muna sa paligid si Brix, at naghanap ng madaling tandaan na landmark)
Brix: Sa may Tapat ng Pizza Hut *Pi-sa hat ang kanyang pagkakabigkas*
Nicole: Saan?
Brix: Pizza Hut, Pizza Hut, Pizza Hut.
(Nagsasalita pa si Nicole ng nagpaalam na si Brix.)
Brix: Cge bye.
At galit na tinapos ni Brix ang pakikipag-usap kay Nicole. At umandar na din sa wakas ang Jeep.
Ang buong byahe ng magkakaibigan papuntang U.P ay napakatahimik. Hindi ito normal. Sapagkat nangyayari lang ito kapag sila ay gutom na gutom na. Bago sila umalis ay sila’y fully loaded pa. Anung nangyari?
BALIK – TANAW
Habang nakasakay na ng jeep ang grupo, masayang masaya sila at sobrang excited ng makalargabay. Nang biglang tumawag si Nicole na walang malay kung paanong pumunta ng U.P.
Habang nag-uusap sila Nicole at Brix ay patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang karamihan ng grupo sa isa’t isa. Nang binanggit na ni Brix ang landmark, hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang mga katagang binitawan nya. *Yung pi-sa hat na paulet ulet nyang binigkas* Halos lahat sila’y nagkatinginan at kanya kanya ng diskarte sa pagtawa. Si Margarita at Ashlee at palihim na tumawa . Ngunit si Anne Marie na kilalang matalik na kaibigan ni Brix ay hayagang ipinakita ang kanyang pagtawa.
Okey lang naman kay Brix ang nangyari. Ngunit paulet ulet ang pagkantsaw ni Anne Marie at isang pasahero ang hindi na mapigilan ang pagtawa. Sa nangyaring iyon, sumimangot ng bongga si Brix. At tumahimik na lang siya.
BALIK SA KASALUKUYAN
Halos mahigit tatlungpung minuto ang tinagal ng byahe. Sa mga sandaling iyon, ang kaninang masayang paglalakbay ay napalitan ng pagkamuhi, pagkapahiya at pagsisisi. Walang kumikibo sa grupo. Sila ay natatakot sa napakatalim na tingin ni Brix.
Nang makarating na sila sa U.P Bahay Tanghalan, Dali daling lumakad si Brix pababa ng Jeep. Ang kanyang hakbang ay napakabilis. Halos hingal kabayo kakahabol ang iba niyang kaibigan. Ngunit pursigido si Brix na makalayo sa kanyang grupo.
Nakita ni Brix ang grupo nila Pola Bratinela, Jabee, at Icar. Napansin nila Pola na nakasambakol ang mukha ni Brix, hindi na nila inalam ang nangyari at kinausap na lang nila si Brix. Sumama na siya kila Pola.
Ang grupo naman nila Margarita ay kanya kanya ng sisi sa bawat isa. Matigas ang pagtanggi nila Margarita at Ashlee na sila walang ginawang masama. Sapagkat lihim ang kanilang pagtawa. Si Anne Marie ang tinurong pangunahing may sala sa nakakasindak na galit ni Brix. Ngunit sinabi niyang si Nicole na walang malay ang may kasalanan ng lahat. At ang buong grupo ay sumang-ayon sa sinabi ni Anne Marie.
Dumating na ng U.P Bahay Tanghalan ang tunay na may sala sa galit ni Brix. Wala pa rin siya kamalay malay na may ginawa siyang nakakahindik na krimen. Siya ay nagulantang sa nangyari. Pinakwento niyang muli ang nangyari. Sobrang nanlulumo siya sa kanyang nagawang pang-aapi kay Brix.
Halos hindi niya maintindihan ang kanyang pinanood sapagkat siya ay patuloy na nanlulumo sa nangyari. Gusto na niyang maiiyak. Siya na walang malay at nagtatanung lamang ng direksyon patungo sa U.P ay nadawit sa gulo.
Nang matapos na ang film ay dali daling hinagilap ng grupo ang nanggagalaiting si Brix. Silay hihingi ng dispensa sa nagawang kasalanan. Ngunit hindi nila mahagilap si Brix. Nalaman na lang nilang ito’y sumama na sa pag-uwi sa grupo nila Pola Bratinela.
Lunes, araw ng muling pagtatagpo ng nanggagalaiting si Brix at nang kanyang matatalik na kaibigan na hindi mapigilan ang paghalakhak ng binanggit nya yung pizza hut. Lahat ay nangangamba at nag-aasam ng pagpapatawad ni Brix.
Unang bumati kay Brix ang kanyang mataliok na kaibigan na si Anne Marie ngunit bigo ang huli na siya pansinin ni Brix. Isa isa ng sumubok ang ibang myembro ng grupo na batiin si Brix. Ngunit lahat sila’y bigo na pansinin.
Si Nicole na tunay na may sala sa malagim na krimen ang huling sumubok na batiin si Brix. *Ayun kay Anne Marie, ito raw ang talagang dahilang kung bakit nagalit si Brix. Kung hindi raw nagtanong si Nicole ay malamang okey pa rin si Brix*
Lakas loob niya itong binati at nagulat na lamang siya at pinansin siya ni Brix. Ang iba’y muling sumubok na batiin si Brix, at alas. Pinansin na sila ni Brix. Naging masaya na muli ang mga kaibigan ni Margarita.
Pero sa kabila nito, isang nilalang ang napagbalingan ng lahat ng galit ni Brix. Walang iba kundi ang kanyang pinakatatanging “BEST FRIEND FOREVER” na si Anne Marie.
Kahit anung paliwanag ang gawin ng iba kay Brix hingil sa krimen naganap ay tila sarado na ang kanyang isipan na tanging si Anne Marie lamang ang puno’t dulo ng kanyang galit.
Si Anne Marie na ang tanging kasalanan ay hindi mapigilang tumawa ay ngayong hinahantay ang muling paglambot ng puso ni Brix. Ninais niyang imessage si Brix sa Friendster, ngunit siya ay bigo. Sapagkat naka BLOCK-USER na naman siya kay Brix.
- WAKAS -
Inilathala ni:
Bb. LaBeouf
PAHABOL SULAT:
- Mga isang linggo rin bago tuluyang nagkabati ang dalawa.
- Kapag sila’y nagkakabati na, nagtutuksuhan sila ng kung anu anung mapanirang salita laban sa isa’t isa. O kahit simpleng araw na nagkakasalubong sila, ang panlalait nila sa isa’t isa ay hindi mapigilan.
- Sa kabila ng lahat ng away ng dalawa *syempre, hindi na mabilang kung ilang beses na sila nag-away at ilang beses na nilang binlock user ang isa’t-isa* patuloy ang iba nilang kaibigan na sila ay pagbatiin.
MENSAHE NG MAY AKDA:
- Maligayang anibersaryo sa lahat ng myembro ng BERKADA.
- Isa kayo sa pinakaimportanteng nilalang sa aking buhay, na tumulong humubog sa aking pagkatao.
- Maraming salamat sa inyo *thru thick and thin nandyan kayo*. Mahal ko kayo. <3
days ko ay hindi lang masaya, ito’y walang katulad. Dahil yan sa inyo.Ang College - Maganda ka..!