Paano
kumuha ng Occupational Permit sa Quezon City.
Ang mga requirements sa pagkuha
ng Occupational Permit sa Quezon City ay:
1. NBI
o Police Clearance
2. Cedula
3. Health
Permit (Unang kukunin bago makakuha ng Occupational Permit)
Paano naman kumuha ng Health Permit
sa Quezon City.
Ang mga Kailangan sa pagkuha ng
Health permit ay:
1. Laboratory
Result
2. Laboratory
Receipt
3.
Kailangan bago ka pumunta sa City
Hall, may dala ka ng Stool at Sputum. Kase nga kukuha ka ng Health Permit.
Take note din na dapat proper
attire ka. Bawal ang naka ripped jeans, sandals, naka sando. Casual attire lang
dapat bez huh. Pero hwag kang mag alala kase parang one stop shop na yung sa
gilid ng City hall. Everything you need, they have. Nagbebenta sila ng leggings
at close shoes, para sa kababaihan. Sa
kalalakihan, I suggest na magpunta nalang kayo sa may Philcoa, may
market dun. (Kung kailangan mu lang naman ma accomplish na makakuha ng health
permit within the day, pero kung hindi naman, balikan mo na lang bukas.) Naka
ripped jeans at sandals kase ako ng araw na yun. Nagpa laboratory na lang kame.
Madaming satellite laboratory
dun, across Gate 5 ng City hall. Sa Gilcare Diagnostic Clinic kame nagpunta. Magdala
ka ng valid I.d mo huh, kase kailangan mo yun. Php120.00 para sa test ng Stool
at Sputum. May tinda din silang container para sa Stool at Sputum. Php15.00 sa
Stool container at Php5.00 naman sa Sputum, yung parang lalagyanan ng ketchup
sa Jolibee ang itsura. Magdala ka ng Stool mu huh. Kase hindi pedeng to follow
na lang yun. Meron kang isang option, dudumi ka dun. May C.R for rent na
malapit sa talyer. Kahilera din yun ng mga satellite clinic. Php10.00 ang bayad
sa paggamit ng banyo, tapos may limang pisong tip daw. Hindi ako nagganun huh.
Naikwento lang saken ng kateam ko. Kung resourceful ka naman, manghingi ka na
lang ng Stool sa kakilala mo. Kadiri lang. Hahahahaha.
Eto yung summary ng magagastos mo
para sa Laboratory test:
Php120.00 – Laboratory Test
Php15.00 – Stool Container
Php5.00 – Sputum Container
Php10.00 – C.R
Php5.00 – Tip sa C.R
Kung may dala ka na naman, mga
Php120.00 lang magagastos mo. Bibigyan ka ng resibo, itago mo yun kase need mo
yun huh. After 30 minutes, ibibigay na naman yung result ng test. May waiting
area naman dun sa Diagnostic Clinic. So meron ka nga resibo at laboratory
result.
Pasok ka na sa may Gate 5, meron
dun pila para sa Health Permit. Pila ka dun para sa step 1. May bibigay silang
papel sayo, para bayaran mo. Para naman yun sa seminar ng HIV/STI/AIDS.
Php100.00 yung payment. From bungad ng Gate 5, to payment area, lakad ka,
siguro mga 300 steps. Katapat ng Building A, kahilera ng Landbank.
Miscellaneous Fee and other payment na banner kang makikita. Dun ka mag babayad
para sa seminar Pagkatapos nun, balik ka ulet dun sa bungad ng Gate 5. Pila ka
ulet, ipakita mo naman yung payment receipt mo para sa seminar, laboratory
receipt at result. Tapos susulatan nila yun para sa schedule ng seminar mo.
Confirmation yun ng seminar mo, importante masyado yung sulat na yun huh. (Kase
kung wala yun, tapos nasa seminar area ka na, papaalisin ka nila dun sa area.)
Tapos pila ka ulet para sa attendance para sa seminar. 9:30am kame nakakuha ng
slot. Pero mga 9:00am palang, pinapunta
na kame dun sa may seminar area. Okey lang na hindi ka makasulat dun sa
attendance sheet. Kase pagpunta mo naman sa area, magpapiko ulet sila para sa
attendance.
Isang oras yung seminar para sa
HIV/STI/AIDS. Tapos makukuha mo na yung health permit mo. Valid lang siya ng
anim na buwan. Itago mo yung health permit na yun. Ipaphotocopy mo back to back
or picturan mo. Para kung magrerenew ka, yun na lang ng ipapakita mo at hindi
kana aattend ng seminar.
Eto yung oras ng mga seminar para
sa HIV/AIDS.
9:00am, 10:00am, 11:0am, 1:30pm
at 3:00pm
Para naman makakuha ng
Occupational Permit.
Pumunta ka sa Building A, katapat
ung Cashier building. Sa may basement ka pupunta. May dalawang pila dun, yung
isa para sa requirements para makakuha ng Occupational permit tapos ung isang
pila ay para naman sa pagprocess na ng permit mismo.
Syempre dun ka na muna sa
requirement para sa permit.
Eto naman ang mga requirements
para makakuha ka ng Occupational Permit.
1. Health
Permit (Yung pinaghirapan mo ng bongga bonga, ayan yun)
2. NBI
or Police Clearance
3. Cedula
(Bes, magpacedula ka na sa Brgy nyo mismo, Maharlika kumuha ng cedula sa
Cityhall. Wala pang Php50.00 sa Brgy nyo mismo, samantalang Php197.00 na yung
Cityhall)
Kung wala kang nakuhang Cedula sa
Brgy nyo, katulad nga ng sinabi ko meron sa Cityhall. Sa may likod ng Landbank
(sa loob pa din yang ng Cityhall) pwede kang makakuha. Php197.00 po yan.
Kapag kumpeto kana sa tatlong requirements,
lalabas ka ulet para naman magbayad ulet ng Miscellaneous Fee. Php150.00 para
sa Occupational permit, tapos Php20.00 naman sa Picture. Php170.00 lahat. Balik
kana ulet sa Bldg A para naman sa processing ng Occupational Permit mo na
mismo. Kapag nacheck na nila na okey na lahat, yung requirements at yung
payment, papanik ka na naman sa Ground floor para sa picture taking. Saglit
lang naman yung pila dun, ibibigay mo lahat ng papel mo, tapos papababain kana
lang nila ulet para sa releasing ng papers mo.
Mga 30 minutes siguro kameng
naghantay, depende siguro sa dami ng nagrerequest. Meron naman nag aannounce
dun sa basement if narelease na yung papers mo. Ibibigay nila ulet yung mga
requirements mo, yung Cedula, health permit at NBI or police clearance mo kapag
narelease na yung Occupational permit mo.
Huling paalala kapag kukuha ng
Occupational Permit.
1. Magdala
na ng Stool at Sputum
2. Smart
Casual Attire
3. Magdala
na din ng Food at water mo (Para iwas gastos, madami ka na kaseng babayaran ee)
4. Magdala
ng Extra money
5. Check
mo sympre kung dala mo yung mga requirements mo, tapos Valid IDs na din.
6. Agahan
mong magpunta at magdala ka ng sangkaterbang pasensya (Kakainin kase talaga
isang araw mo sa process na ito.
Ang prosesong ito ay para sa
bagong pagkuha ng Occupational Permit, hindi ko pa alam pano yung sa renewal.
Siguro same process lang din siya wala lang yung seminar.
P.S: Isinulat ko ito para kung
sakaling kukuha ulet ako nito, hindi na ako mangangapa ulet kung paano.
Anesthesia Girl kase ako.
Bb.LaBeouf
March 17, 2018