Thursday, February 10, 2011

VERUM EST. TOTOO BA ITO?

VERUM EST. TOTOO BA ITO?


PAALALA:
  • Hindi lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay hango sa totoong buhay.
  • May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
  • Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
  • Hindi porket hindi mo nakikita, ay dapat hindi mo na paniwalaan. May mga bagay-bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag ng syensa.
  • Masayang pagbabasa..



SI LOLITA AT SI CHARLOTTE

Isang lumang gusali ang pilit nakikipagsabayan sa magulong lungsod ng Mandaluyong. Kahanay ng lumang gusali ang nag-gagandahan mall, matataas na condominium, na tila inaabot na ang langit.

Ang lumang gusali ay mayroon tatlongput dalawang palapag. 1996 pa ng ito'y pinarentahan sa publiko. Ang kulay ng gusali ay kahel at beige. Meron itong apat na elevator. Ang dalawa ay para sa residente ng gusali. Simula  ika labing dalawang palapag hanggang ika tatlongput dalawang palapag. Ang dalawa pang natitirang elevetor ay para sa mga nagoopisina.

Nobyembre taong 2010 ng unang nakatuntung ang aking mga paa sa lumang gusali. Katumbas ng isang timba ang pawis ko, bago ko nahanap ang gusali itong. Hindi ko alam anu ang nasa isip ko at hindi ko tinanung ang aking Twin para sa pinakamainam na daan. Mahigit isang oras ang nasayang sa araw ko, bago ko natuntun ang gusali.

Nasa ika-syam na palapag ang aming opisina. Nang panahong iyon, dalawang kompanya ang nagrerenta sa kwarto. Ang opisina ay may puting pader at kulay abo na carpet. May anim na lamesa kasama na ang reception table. Meron din silang isang mahaba, ngunit luma ng sofa. Maganda ang tanawin sa gusali. Isang obra maituturing ang eksena. Mamamangha ka din sa magandang pagkakadisenyo ng mga istraktura. Lalong lalo na ang tarpolin, na sa tuwing ako'y nalulumbay ay aking tinitignan. Sumasaya ang sandali ko, nabubuhayan ako ng loob. Ang tarpoling ito'y advertisement ng isang kulay rosas na dlsr.

Sa aking pananatili sa lugar na ito, naging isa akong MAMAMATAY. Mamamatay ng ipis. Hindi ko alam kong anung uri ng ipis meron ang opisina. Tinatawanan lamang nila ang mga pestiside. Hindi normal ang kanilang itsura, kumpara sa ipis sa bahay. Gusto ko tuloy malaman kung ilang species meron ang ipis. Sa kalaunan, napagod na ako sa pagpuksa sa mga ipis. Inignora ko na lamang sila. Kahit sila ay pilit nakikisalo sa aming tanghalian, nakikiinom ng kape tuwing break, at humahalik sa iyong pisngi tuwing ikaw ay uuwi na.

Halos sumabog na ang aking pantog, sa pagpipigil ng aking ihi. Ibang kilabot ang aking nararamdaman pag pumupunta ako ng banyo. Lahat ng aking balahibo ay nagtitindigan. Ang totoo, mahusay ang pagkakaplano ng kanilang banyo. Pagpasok mo ay bubungad sayo ang isang napakalaking salamin, na sobrang gustong gusto ko. May tatlong lababo, at tatlong cubicle. Ngunit may mga panahong hindi mo gugustuhing manatili sa banyo. Maraming kahindik hindik na sandali ang nangyari sa lugar na ito. May isang pagkakataong, ako'y humahangos patungo sa banyo. Ngunit ng akoy magbukas ng isang cubicle. Tila binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Hindi ko alam na magagawa iyon ng aking kapwa babae. Sobrang karumal dumal ang ginawa nya sa kubeta. Ang sahig, at ang pader ay mayroon ding bakas ng krimen. Ang amoy ay nakakasulasok. Kahit ilang araw na ang nakalipas, ay nandoon pa din ang amoy.

Ang lumang gusali ay nababalutan hindi lamang ng mga kakaibang iipis, at kahindik-hindik na eksena sa banyo, ito'y nababalutan din ng hiwaga at misteryo. Maraming haka haka ang umiikot dito. May nagsabi na may isang babae ang umiiyak. Ang kanyang pag-iyak ay tila puno ng paghihinagpis. Sa fire exit raw malakas ang pag-iyak. Tila humihingi ng tulong. Mayroon ding haka haka na ang gusali ay naging tahanan ng isang bata. Ginawa na nyang itong isang malaking palaruan. Tila hindi batid ng bata ang nangyari sa kanya.

Tila nakasanayan na ng mga nag-oopisina sa gusali ang pag-iyak ng babae at paglitaw ng bata. Hindi nila batid na ang mga nilalang na ito'y kailangan ng panalangin. Ang babaeng naghihinagpis ay si Lolita, at ang batang naglalaro ay si Charlotte.

Si Lolita ay matalik na kaibigan nila Melinda at Gardo. Anak naman nila si Charlotte. Ninang sa binyag ni Charlotte si Lolita. Nang pumanaw sila Melinda at Gardo, naging ikalawang ina si Lolita ng musmos na si Charlotte. Maraming nagsabi, na si Lolita at Charlotte ay naging biktima at inalay ang buhay sa tinatayong gusali. Ang mga yabag at pag-iyak ay patuloy na naririnig. Patuloy ang kanilang paghingi ng tulong.

Sila'y pagala gala lamang sa loob ng gusali. Hindi mo alam, sila sumasabay sayo sa pag-ihi. Binabantayan ang bawat kilos mo. Hindi mo sila nakikita, ngunit panik panaog sila sa gusali. Sumasabay sa pag-akyat at pagbaba ng elevator. Sa kalaliman ng gabi, ikaw magugulantang. Paghinagpis ni Lolita iyong maririnig. Habang ang yabag ng paa ni Charlotte ay dumadagundong sa palapag ng gusali. Ilan pa ba silang nananatili sa gusali at humihingi ng tulong, humihingi ng taimtim na dasal. Dasal mula sa mga taong pilit iniignora ang kanilang presensya. Kelan sila makakarating sa mundo, sila ay nababagay.?


-WAKAS-


Inilathala ni
Bb. LaBeouf
02-04-2011

MAHIWAGANG PALAMAN

Ang Mahiwagang Palaman


PAALALA:
  • Hindi ito kathang isip, ito’y hango sa tunay na pangyayari.
  • May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
  • Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
  • Ang lahat ng bida sa kwentong ito ay may student number na nagsisimula sa 2003. Ngunit pakatandaan, pare-parehas man ang kanilang student number, hindi sila magkakaedad.
  • Masayang pagbabasa..



Ang Mahiwagang Palaman


Isang dapit hapon, habang may klaseng nagaganap sa silid ni Gng. Lim, tatlo sa pitong estudyante ng interior design ay masayang nakikipagkwentuhan sa mahigit tatlo - limang estudyante ng advertising na lumiban din ng klase para makipagkwentuhan. Isang lugar ang kanilang tinutungo para magsama sama. Ang STUDENT COUNCIL.

Sila ay tinatakwil ng mga tao sa Student Council na nakahimpil sa ikatlong palapag ng Tan Yan Kee Bldg. Sila’y maiingay na tila sa kanila ang lugar na iyon. Kung iisipin, 2-3 lamang sa grupo ang talagang membro ng FASC. Pero parang isang block ang pumunta doon at tumatambay.

Ang mga magkakaibigan ay masayang masaya kapag nasisilayan nila ang isa’t isa. Tumitigil ang kanilang mundo kapag sila’y magkakasama. Walang humpay ang kanilang tawanan at kantsawan sa isa’t isa.

Bukod sa kwentuhan, may isa pang bagay na sobra ang pagkahumaling nila. Malakas silang mag - foodtrip. Buhay na buhay ang mini stop, tindahan ng chicken neck, tindahan ng soimai at footlong at lalong lalo na ang tindahan ni Amelia.

Masayang nagkukwentuhan sila Margarita, Keppy, Ashlee, Nicole at Brix. Hinintay nila ang pagdatin nila Anne Marie at Tony G. na nag-aayos ng plate sa photography. Kain sila ng kain habang masayang nagkukwentuhan. Matagal ang kanilang hinintay ngunit tila marami ang ginagawa nila Anne Marie at Tony G. Ang buong grupo ay napagod na kakanguya at nagsimanhid na ang kanilang bagang. (Jaw).

Ang salbaheng si Brix na tila hindi maawat sa kakakantsaw ay biglang bumanat at pinasaringan si Margarita: “ANG TAKAW MU NAMAN MURE. KAIN KA NG KAIN!”

Si Margarita na pagod na pagod kakanguya ay nakangudngod na sa lamesa at hinintay ang pagdalaw ng kanyang antok. Sumagot siya sa paratang ni Brix: “PALAMAN NA NGA LANG ANG KINAIN KO EHH..!”

Bigla bigla, lumabas si Brix sa Council. Ang akala ng mga natira sa grupo ay hahanapin nya sila Anne Marie at Tony G.

Nang bumalik sa Council si Brix, inilahad nya ang nakakakilabot na pangyayari. Nang habang si Margarita ay nakangudngud sa lamesa at sinabihan ng mapanirang paratang ay dahan dahan silang numemenok o dyumedyekwat sa presto cream ni Margarita na nakatiwangwang sa lamesa. Sobrang nilasap niya ito na tila ngayon pa lamang siya nakatikim ng ganung uri ng biskwit sa tana ng buhay nya. Ng biglang sabihin ni Margarita ang nakakasindak na katotohan. Ang tungkol sa biskwit na palaman lamang ang kaniyang kinain.

Biglang nanghina si Brix ng malala niya na ang kaniyang kinain ay walang palaman. Dali dali siyang nagtungo sa banyo at iduwal ang biskwit na ninenok nya.

Si Margarita na hindi mapigilan ang sarili kakatawa ay nagpaliwanag. Pinaliwanag naman nya kay Brix na hindi naman ganung kabarubal ang ginawa nyang pagtanggal ng palaman.

Simula , naging mainggat na si Brix sa pagkuha ng pagkain, lalong lalo na kung galing kay Margarita.


- WAKAS -


Inilathala ni:
Bb. LaBeouf
01-17-11



PAHABOL:
  • Ang Istoryang ito ay lumipas na ng maraming taon, ngunit kapag ito’y nababanggit. Wala pa ring humpay ang kanilang hagikgikan at sisihan.
  • Kung mag-isa at biglang maalala ang kwentong ito, nangingiti na lamang sa isang tabi.
  • Ito'y inilahad upang magpasaya at hindi makasakit ng tao.

ISTORYA NG MGA JEJEMON...

ISTORYA NG MGA JEJEMON


PAALALA:
  • Hindi lahat ng pangyayari sa kwentong ito ay hango sa totoong buhay.
  • May mga maseselang eksena, kaya’t patnubay ng magulang ay kailangan.
  • Ang tunay na pangalan ng mga bida ay sadyang iniba para na rin sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
  • Masayang pagbabasa..



ISTORYA NG MGA JEJEMON

Sa isang liblib na baryo ng Malabon, isang grupo ang kinakatakutan ng buong barangay. Lubos ang kanilang kapangyarihan kaya pati parak ay takot sa kanila.

            Kapag sila’y naglalakad, lumilinis ang daan. Nagsisitaguan ang kanilang madaanan. Tuwing ani ng pananim, halos kalahati ng ani ay napupunta sa grupo. Ang mga opisyales ng barangay, pati na ng lungsod sila ay sinasamba. Hawak niula ang parak, swat, tanod pati na ang bomb sniffing dog.

            Kinabibilangan ng pinakamalulupet na nilalalng ng baryo.Hindi basta basta binabanggit ang kanilang pangalan sa takot na sila ay biglang matiklo.

            Tuwing may okasyon, sila ang bida. Kahit hindi imbitado sila ay biglang lumilitaw sa eksena. Ang buong gabi ng okasyon, tanging sila lamang ang nag-eenjoy. Kaya ang naghanda ng partey ay nalulugmu sa tabi.

            Tuwing sasapit ang gabi ang kanilang hide-out ay busyng busy. Naghahanda sa kanilang munting salo-salo. Kung magpatugtug ng musika akala mo palageng may party. May bonus pang paputok na tila sinasalubong ang bagong taon.

            Ang buong barangay ay walang magawa. Mga munting bata ay nasisira ang tulog. Ang mga matatanda ay pipi sa isang tabi.

            Talamak sa alak, siga sa daan. Tanging sila lamang ang bida sa istoryang ito. Kung mahal mo ang buhay mo, respetuhin sila ng lubos.

            Kung ikaw ay naghihimagsik sa grupong ito, hwag mung antayin na banggitin nila ang kinakatakutang salita. “30W P#03ZS” Sa pagbigkas nila nito sayo, tiyak ang kakalagyan mo ay sa ilalim ng lupa.


- WAKAS -


Inilathala ni:
Bb. LaBeouf
12-24-2010

ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...