Saturday, October 22, 2022

NAMJOONING

Forda birthday celebration ng Best leader, Happy Birthday RM.


Eto yung facade nila. What can I say, very Namjoon!


Forda interior naman is with BTS touch pa din pero more on Namjooning talaga!

Tuesday, October 18, 2022

MADKHAN HOUSE OF TANDOORI PH

MADKHAN HOUSE OF TANDOORI PH


For quite some time, grabe din ang cravings ko sa Indian Food.

Ang usually problem ko is, wala akong kasama or out of budget!🤣🤣🤣 

Pero last time, sinend ko ito kay Mamsh. Tapos pagka send ko, sinet agad namen kung kelan kame kakain! Ang bilis.

So sa Bayan Marikina na kame nagkita. Tapos sumakay na lanf kame ng tricycle papunta. Pero parang ang dapat na ginawa namen is sumakay kame ng jeep na may sign na SSS village. Mukhang dadaan naman sila dun.

Ayun na nga, nakarating kame mga 3pm dun. Katirikan pa ng araw. Kaya pagdating namen, wala pa ganu customer.

Maganda yung place, colorful. From painting and wall murals. Medyo dim lang ung sa pailaw nila. Kase nga ang bright ng sinag ni Haring araw ii.

Ang inorder namen is Madkhan platter. One whole chicken siya, 4 paratta at may 4 souces din.  1250.00 pesos good for 4 na ito. 

Tapos isang Pani Puri. 249.00 pesos na with 15 pieces ng pani puri ung bilog, tpos may mashed potatoes with peas, onions with some green something, tapos 2 souces. Ung isa is maanghang.

Sobrang busog namen. Kase nga good for 4 ung order namen. Tapos 3 lang kame! Kaya ayun, forda take out ung natirang food.


Eto yung verdict ko! Feeling food critique talaga ko iiih.
🟣 very cozy and relaxing yung place.
🟣 friendly yung staff.
🟣 may waiting period sa pag order, like any other resto naman. Pero siguro nasa 15-20 mins lang naman yun.
🟣 overwhelming yung itsura ng food. Like kailangan mo muna siyang picturan kahit gutom na gutom na kayu.
🟣 masarap siya, ndi malansa yung chicken.
🟣 Panalo yung Pani puri. Well, eto naman talaga yung reason ko kaya ko sila inaya na kumaen dito!💗💗💗 to die for ang pani puri. Pasado siya sa taste bud ko.
🟣 very affordable naman yung prices ng food. Sobrang busog namen.
🟣 ang tagal din namen nagstay dito, kase nga hindi namen maubos agad ung food. Pero walang feeling na pinapalayas na kame ng staff dun.

💯💯💯 Overall, pasado dito! Ang sarap nya grabe. Babalikan ko ito for sure!


Madkhan House of Tandoori PH
📍📍📍 ADDRESS - BENNT I Bldg. 67 Lilac Street, SSS Village, Conception Dos, Marikina City
📱📱📱 Contact number: 0917 134 5770

____________________

Check my other post too:
✅✅✅ IG: HZLNUTZS
✅✅✅  Pani Puri
____________________

HZLNUTZS
October 18, 2022
____________________

H A P P Y  E A T I N G



Sunday, October 9, 2022

CoCo - Fresh Tea & Juice

CoCo - Fresh Tea & Juice


huy!🤣🤣🤣 sa tagal kong nag social thumbling, promise, ngayun lang nakapag mama COCO melon!🤣🤣🤣 sabi nila super sarap daw netong PANDA. pero keribels lang pala.

pero mas nasarapan ako dun sa new drinks nila. Mango series. particularly yung MANGO SLUSH.


____________________

Check my other post too:
✅✅✅ IG: HZLNUTZS
✅✅✅ mama CoCo melon

____________________

HZLNUTZS
October 09, 2022
____________________

H A P P Y  - D R I N K I N G



RAMEN NAGI KIDDIE MEAL


RAMEN NAGI - KIDDIE MEAL


So ayun, proactive tayung mag tanong sa mga Dining assistant if available paba yung kiddie meal nila. Kase wala sa pinaka menu nila yun, naka seperate yun.

Inclusion sa Kiddie meal ay Ramen, side dish, at ice cream.

For ramen, Butao lang yung option
Side dish naman is Karaage, Gyoza at Tamago.
And vanilla ice cream.

Medyo nag crave me ng Japanese food lately. So ayan, jan namen tinry!

Pangalawang try ko na dito sa Ramen Nagi. And never naman nya akong nadisappoint.

Tumaas lang ng 50.00 pesos ang price nya. Pero worth pa din naman! Tapos 10% na service charge.

____________________

Check my other post too:
✅✅✅ IG: HZLNUTZS

____________________

HZLNUTZS
October 09, 2022
____________________

H A P P Y  E A T I N G




JOLLIBEE'S GARLIC PEPPER BEEF

JOLLIBEE'S GARLIC PEPPER BEEF


Sabi nga nila, the return of the comeback! 

Pero grabe hindi ko na maalala if kumaen na ako neto way way before or netong comeback na. Ang lala na ng pagiging makakalimutin ko!🤣🤣🤣

Anyway, worth the hype ba ang comeback ng Jollibee's Garlic Pepper Beef?!

Sa palagay ko, since hindi ko maalala if nagtry ba ako neto before! Eto ang mga verdict ko. Luhh, food critique yarn or lamunista lang!🤣🤣🤣

🟣 Medyo mamantika siya.
🟣 Medyo maalat. Pero swak naman kapag hinalo sa kanin. Syempre laking Malabon ako, for some reason, maalat talaga panlasa ko!
🟣 Swak ang serving! Hindi kulang, hindi bitin! Mabubusog ka. Ganun!
🟣 Forda affordable naman ang price. Pang masa pa rin! Tapos bida pa rin ang saya! 120.00 pesos, solb kana din.

Syempre, mainam ng masubukan, baka mawala na naman siya sa market.!

💯💯💯 overall, sulit naman yung binayad. Busog, worth the hype naman! Masarap naman siya.

____________________

Check my other post too:
✅✅✅ IG: HZLNUTZS

____________________

HZLNUTZS
October 09, 2022
____________________

H A P P Y  - E A T I N G



Tuesday, October 4, 2022

MUSEO NG PAG-ASA (MUSEUM OF HOPE)

MUSEO NG PAG-ASA


ANGAT BUHAY - MUSEO NG PAG-ASA
📍📍📍 ADDRESS -84 Cordillera, Santa Mesa Heights, Lungsod Quezon, 1114 Kalakhang Maynila
IG Account: Angat Buhay

____________________

PAANO KUMUHA NG TICKET

Gumawa muna ng account sa ticket2me.net.
Tapos iopen mo na yung site. Then makakapili kana ng schedule na gusto mo.

Mas maganda if maaga yung schedule n akunin, para wala pang masyadong tao.

Tapos may declaration form na need din sagutan after makakuha ng schedule.

Libre lang yan! Kaya nakakatuwa.

____________________

PAANO PUMUNTA SA MUSEO

MRT Q.AVE
tapos sumakay ng pa QUIAPO na JEEP
Sabihin lang, pababa sa BDO Cordillera

Mga landmark bago sa Museo
Fishermall
STO. domingo Church
Banawe Street (Mcdo)
And Cordillera BPO
kapag nakita mo yung Unioil, medyo lagpas kana nyan.

____________________

WHAT TO EXPECT INSIDE THE MUSEUM

Sasalubungin ka ng mga super friendly Kakampink volunteer. Tapos pakita mo yung ticket reference mo, vaccine card at inform mo na lang din na tapos kana sa declaration form.

Inside is super pink!💗💗💗 mga donation from kakampink, campaign tshirt, gown, painting, art by kakapmpink, bike and everything na ginamit sa campaign nya.

May souveneir shop din. Tote bag, tumbler, pin, phone pop up, ballpen, jewelries and many more. Affordable and alam ko proceed from the shop is mapupunta sa ANGAT BUHAY. Not sure dyan!🤣🤣🤣

Sa exit naman, may pa alfresco dining sila. Nang bumisita ako, coffee shop naabutan ko. Reccomended yung Spanish Latte! Napakasarap!💗💗💗

Tapos ayun, makikita mo na yung Pink Jeep at yung Libreng Lugaw cart!

Basta super sulit yung punta mo. 

____________________

Check my other post too:
✅✅✅ IG: HZLNUTZS
✅✅✅ Museo ng Pag-asa
____________________

HZLNUTZS
October 04, 2022
____________________

H A P P Y - V I S I T







ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...