"MANGYARI LAMANG" - RICO ABELARDO
nang makita ng lahat ang mukha ng pag- ibig.
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lang ay tumayi rin ang mga nagmahal at nasawinang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani. Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata.
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal,
minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan.
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.
At sa mga nananatiling nakaupo mangyari lamang
ay dahan-dahang tumalilis papalabas sa nakangangang pinto.
Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang
na nagpalaki ng isang halimaw!
At sa lahat ng naiwang nakatayo mangyari lamang
ay hagkan ang isa't isa at yakapin ang mga sugatan.
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan!
Manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal.

No comments:
Post a Comment