PUERTO GALERA
JAN. 18, 2024
From Mandaluyong nag grab kame pa Gil Puyat/Buendia. Grab expense is 309 or 103 each.
Bus from gil Puyat to Batangas is 268 each. 5am andun na kame. Pero 5:30 am umalis yung bus. More or less 2 houts ang byahe pa Batangas. Pero all through out ng byahe ay tulog ang mga person!🤣🤣
Mga 7:30 siguro nakarating na kame sa Batangas. Derecho na sa Port. Wala yung Express na byahe, so Roro kame. 425 Roro tapos 30 Terminal Fee each. Mga 8 am bumyahe na din agad yung Roro.
Sa Roro smooth sailing lang, nakakainip ganun. Sobrang bagal. Sobrang tirik ng araw, nakakapagod mag picture or what!
mga 10:30 siguro dumating na kame sa Port Ng Mindoro. Nagbayad kame ng 120 each for the Tourist Fee. and then Ride na ng Tricycle na 200 pesos. Mga 30mins din ang byahe.
Sa may Mendulukes Suites kame ngstay. Nakaabang na agad yung sa may accomofation pagkadating namen dun.
Deluxe ung room. 3100 per night care of Lux.😍😍😍 Beach front yung Suites kaya maganda iih. May resto din sila. So nagtry muna kame dun sa Resto ng hotel.
Pork Sinigang, Butter fried Chicken, Sinugba ata yung isa! Marion Ross ang name ng Resto. Naka 1240 total kame, 413 each. After ng lunch, nagpahinga muna kame sa room.
Lumabas din kame and nagreminise ng bahagya. Ng college kame dapat pupunta kame dito, Graduating. kaso hindi napayagan dahil nga sa mga pamahiin. So tamang senti lang!🤣🤣
Bumili din kame ng alak, coke, chichirya, yelo sa may gilid gilid. Ang mahal kase if ung sa mga front beach store bibili. 680 lahat. shet talaga.
Mga 4:30 nagkaayaan na kameng lumabas. Andun kame sa may mabayong part, pakalayu sa may accomodation namen. Mga 20 mins walk siguro. Kumpleto rekados naman, may speaker, uno cards, sapin. And then may nagdaan na nagbebenta ng chicharon, 50pesos naman.
Hanggang dumilim andun kame. mga till 7 siguro. Tapos medyo may tama na din! So nagdecide kame na bumalik na sa accomodation at makapag dinner na din. While pabalik sa accomodation, naharang kame ni Beshy sa Finese. Pumunta daw kame dun, sabi namen babalik kame! Sabi nya wat time, ganto ganyan! Sabi namen magdinner lang muna kame.
Sa may Chooks To Go kame kumaen. Yung Group meal kinuha namen, 899 total. 1 whole chicken, sisig, 4 rice, tapos ice tea.
Pagkatapos namen kumaen, ayun dumercho na kame sa Finesse. May mga nagpeperform na Drag Queens. Shuta, libang na libang ako ganun!🤣🤣 Umorder kame ng Tower. Medyo may tama pa nga kame tapos naka power pa nga!
Powerful and very funny ng mga performances! 3 lang sila ng araw na ito! May tao or wala tuloy anh performance. Umorder din kame ng Calamares. In fairness kay Beshy, irerecommend nya yung masarap talaga. May segment din dun where in na aask sila ig may request silang kanta mo! So forda Go ng kanta si Nini! Ayaw paawat iiih. ahahaha
Naka 1700 din kame. 100 ung tip naman. Kase forda enjoy ang mga person! and then bumili kame 4L na water, apakamahal. 190 sya.
Day 1 yan! Lasing ganun!
JAN, 19, 2024 - DAY 2
Yung sa accomodation namen, may free bfast meal. Tapos good for 4 kase un. So 4 ang food kame. 2 Spam silog at 2 Longgsilog. Hoy infair sa food nila. Hindi pocho pocho. 😊😊
Tapos after ng bfast, pahinga muna sa accomodation. Ang panget lang sa room namen, yung charging port! nasa isang area lang. Good thing malapit saken. Pero wit, dami namen Gadgets and everything.
Around 1pm, we decided na to have lunch! Late lunch para walang masyadong tao! As usual, sa malayong part na naman kame nagpunta. Nag Inasal kame. Liempo, Tilapia, Petcho at Kangkong with Bagoong. Naka 1040 din kame! Huy ang gastos naten! Huhuhu.
After ng lunch, gumilid gilid ulet kame para bumili ng alak!🤣🤣 Take Note may natira pa from Day 1! So ayun isang 1L ulet ng Alfonso Lights, Coke at yelo. Naka 560 din kame. Hindi namen nakain yung chichirya kahapon. Tapos back to accomodation.
Mga 4 nag aaya na si Nini lumabas. Kaso medyo tinatamad pa. Lumabas ako to check, makulimlim naman. Pero 4:30 ng mag decide kameng lumabas talaga.
Ayun, sa pinakamalayung parte na naman pumunta! More or less 20mins walk! Tapos set up ng gear! Charr. Forda photoshot ang 2 bekbek. Then ayun, inom sa may gedli tapos soundtrip. Kwentuhan and everything.
Mabilis kase akong uminom, as in pagkabigay, dapat inumin agad!🤣🤣 So ng araw na ito, kalmado lang ako! Hindi ako ganu naginom. hahahahaha. Pero hataw si Nini ayaw paawat!🤣🤣
Mga 7 siguro naisipan na namen bumalik sa acco and mag dinner na din. May Fire dance pala sa center, pero andun kame sa may gilid umiinom.
Request ni Nini yung Chinesan Resto. Ang mahal lang kase iiih. Pero laban since last night na naman! Chicken something with strip ng tofu, shet nakalimutan ko yung isa! Pero sobrang winner ng dish nila.😍😍😍 Dun kame pinapwesto sa may karaoke something. So for the kanta si Nini! 1620 total bill! Huhuhu.
Syempre after ng lahat ng ganap, forda go sa Finesse! Grabe si Beshy, nagreserve talaga ng Table for us!😊😊 5 na yung performer! Tapos ang huhusay talaga! Like if tawa, tatawa ka talaga. May mga song request din, syempre si Nini yan! Hindi papakabog, kumanta ulet. Ang pwesto namen is yung sa may madilim na part, sa bandang dulo. Pero ng bandang huli, pinalipat nila kame sa may unahan. Tapos videoke galore na lang after ward. Naka 2000 kame, tapos 100 na tip sa isang Bek!
Hala! Kame na nagsara ng Bar!🤣🤣 Tapos medyo lasing na si Nini. Nagpunta muna kame sa may beach. Tamang emotr lang, ngpapababa lang ng tama. Si Nini naghihiga na sa buhangin. Tapos nabato pa nya yung iphone nyq!🤣🤣 Lasing na nga. Tapos bumalik na sya sa suites. Naiwan kame ni Chiz dun. Tapos inaya nya ako, magbanlaw lang. So pumunta kame sa may Reggae something na bar. Isang shot lang, kase magsasara na din sila soon.
As usual, forda Frozen Margarita ako!😍😍😍 Hindi ko lang masyadong bet, hindi masarap ganun! Isang drink lang tapos ayun uwian na!🤣🤣🤣
FEB 20, 2024 - DAY 3 Uwian na
Ayan, uwian na din! Breakfast for today is Cornsilog at Hotsilog! After namen kumaen, nag ayus na kame. Empake at naligo na din.
Mga 11 something ayan nakasakay na kame sa tricycle. Mga 20-30 mins na byahe. Habang nasa byahe kame, kinuhanan na kame ng express ride. Para pagdating dun, papasok nalang. 200 bayad sa Tricycle. Tapos yung express ride is 500 at 10 pesos for terminal fee.
Mga 1 hour boat ride lang nasa Batangas na kame. Then, pagkadating namen dun nag lunch muna kame. Total of 430 naman ang bill.
Then sakay ng bus pa Metro! 268 naman ang bayad. Mga 2 lang siguro nakasakay na kame ng bus! Pero shet, sobrang trafic! Mga 7 na ata kame nakarating sa Gil Puyat!😔😔 Sobrang pagod sa byahe!
Expenses ko ay around 5500. Laban na din kase napahinga at utak ko.
Syempre, uulit tayo! Until next na uwi ni Chiz. I wonder, san naman kaya ulet kame sa susunod! Excited na ako for our next trip!
Love Lots,
Margarita
02/01/2024
PORT OF BATANGAS
BATANGAS SEA
NEAR PUERTO GALERA
AT THE PORT OF PUERTO GALERA
STAY HYDRATED
No comments:
Post a Comment