Friday, August 20, 2021

MY COVID JOURNEY

MY COVID JOURNEY


🟪 July 27, 2021 natapos ang aking 2nd dose ng covid vaccine.


Ang sabi pa nga nila, after 2 weeks, bago  fully mag spike up yung vaccine sa katawan to produce enough antibodies to fight the virus.


🟪 July 31, 2021 - After ng friday shift ko may sipon na ako. Binalewala ko, kase ng mga nakaraang araw panay ulan tapos sa tanghali maaraw naman. Tsaka madalas may sipon ako dahil na din sa lage akong puyat. Hindi ako gano nakakalabas ng bahay, dahil mga 2pm na ako nagigising. Tpos nakakatamad ng lumabas. 

🟪 Aug 01, 2021 - nawalan na ako ng panlasa at pang amoy. Nakakaparanoid na talaga. Mainam din na mag suob parati tapos ginger na may lemon.

🟪 Aug. 02, 2021 - wala pa din akong panlasa at pang amoy. Nalaman nalang namin na namatay yung isa kong lola ng kinagabihan nga Aug. 01, 2021. 

Sa totoo lang, lahat na ata naging expert sa covid. Sabi ng iba, nako wag kayung mag inform sa brgy kase kukuhanin kayo ng brgy. For fuck sake, yun talaga ang gusto kong mangyari. Or hwag kayong magpaswab kase masakit yun. Punyeta, ano bang ipapasok sa ilong namen?! At super sakit daw!

Nag inform na din kame sa brgy na possible Covid positive kame due to the symptoms na nararanasan namen. Sa Aug. 04 daw yung swab namen.Nang mga hapon, lumabas na din ang balita na yun isa kong lola at tita ay nagpositive. Nataranta kame at gusto na din namen magpa swab. Kaso ang mahal, Php2300.00 isang tao. Antayin na lang daw namen yung provided ng brgy. Binilhan na din kame ng sangkaterbang vitaminc ng isa kong kapatid.

🟪 Aug. 03, 2021 - waiting lang. Tamang linis ng bahay. Same routine. Tulog maghapon tapos may shift ng alas 9. Pero this time more sleep. Mga 12 pa lang natutulog na ako. 

🟪 Aug. 04, 2021 - swab day. 10 kameng iswaswab test. Para kameng may outing eeeh. Pag dating sa site, napakaraming nagpapaswab. Per brgy ang mga sasakyan. Hindi bababa ng 5 kada brgy ang nagpapaswab. Meron din mga sanggol palang pero nakalinya na para sa swab.

Saglit lang naman yung sa swab, may kukunin lang specimen sa ilong at sa bibig mo. Tapos tapos na. After 2 days daw ang result.

🟪 Aug. 06, 2021 - eto na ata ang pinakamahabang waiting period. Mga tanghali palang, tinawagan na yung mga kasabay namen na magpaswab. Positive sila at kukunin daw sila ng brgy ng araw na yun. 7 kameng nagpositive. Hapon, wala pa din. May naginform lang samen na icheck yung result ng swab sa redcross site. Ilagay mo lang yung control number na nakadikit sa id mo - from swab test. Tapos 000 para sa id. Nakita namen yung sa result ng papa ko. Positive siya.


Track Specimen

Nag message na ako dun sa kapitan namen tapos kagawad. Kase nga wala pa din kameng result. Tapos tinawagan ko na din yung sa contact tracer namen. Excited me?! So ayun, tatawagan nya daw kame. Bigyan ko lang siya ng konting time. Tapos after 30 minutes, ayon nainform na kame na positive kameng lahat sa bahay. Ang sabi pa nya is, hindi pa sure kung saan kame. Nag ask din kame na baka pwedeng home quarantine nalang. Depende daw yun sa desisyon ni Kap. Basta magready kame or what.  Tapos alas 9 - may shift pa ako.

🟪 Aug. 07, 2021 - mga 9 palang. Pinakuha na namen sila Bred at Pretzl kay Cj. Para kung ano man ang desisyon ni Kap eeh hindi sila maiiwan sa bahay. Mga 12 ng tanghali, kukunin daw kame at ilalagay sa isolation center. After 1 hour ayun, may sundo na kame. Tapos yung mga kasama namen na nagpaswab, ililipat sila sa Batangas. Kame naman sa may Pagamutang Bayan lang. 

Thank you po Lord kase mild lang yung symptoms namen. Lumaklak din kase kame ng sangkaterbang vitamins c at kung ano ano pa.


 - Eto yung papunta na kame sa center. Hakot ng mga gamit. Salamat sa mga tumulong maghakot ng gamit.



- Maayos naman yung room namen. Need lang maaksyunan yung center kase may iaayos pa ito. Yung mga tao sa center ay mababait.



- Reception Area. Habang kinukuha pa yung details namen. 



- Eto yung swab result ko. Need kase sa office para makapag file ng LOA. 



- Alas 4 palang may rasyon na. 😋😋😋



- 1st meal sa center. Tokwa at baboy. Infairness masarap siya. 😋😋😋



 - Oxymeter. Ang sabi dapat hwag bababa nga 90 para sa oxygen at pulse rate ng 40. php139.00 lang yan. Shopee link below.



Checking lang ng mga temperature bago matulog. 

🟪 Aug. 08, 2021 - Day 2 sa center. Maayos naman. Yung room namen may sariling cr. Sabi ko nga, may iaayos pa yung facilities kung bibigyan ng atensyon. 


- lakad lakad lang.



 - BFAST - Tinapa and talong na may bagoong.



- LUNCH - Kalderata ata yan!



- DINNER - Chicken at toge.



- yung tita at tito ko ang nag aasikaso samen. Ayan dinalhan kame ng mga tinapay. Yung Lola Remedios pala bigay yan sa center.



- Hirap kase me magsleep lalo na at nocturnal ako. Okey din mag take neto para ndi ka magisip ng magisip at makatulog ng maaga.


🟪 Aug. 09, 2021 - Day 3



BFAST - champorado at tinapay na may palaman peanut butter. 


 


- Tamang paaraw lang sa loob ng center. May parang garden kase sa gitna nyan eee. Tapos nagkalat pa ang sangkaterbang pusa dyan. Ehehehe.



- LUNCH - Chicken Guisantes



- SNACK - pwedeng mag order via Grab. Buti nalang. 😋😋😋




- Thank you Mayor sa Ayuda.. 😍😍😍




- DINNER - Paksiw na bangus.


🟪 Aug. 10, 2021 - Day 4


- BFAS - masilog



- Eto talaga ay super mabisa. Ginger Lemon.  




- LUNCH - sweet n sour meatballs



- Ayuda from Kapitbahay!😍😍 salamat po.



- pansit from Esther. Pinabili namen kila tita. 💗




- DINNER - adobong manok



- Tamang sulat lang. Kase medyo nakakatamad ng mag cp ee.



- Check muna. 


🟪 AUG 11, 2021 - Day 5


- BFAST - Cornsilog



- Konting paaraw. 



- LUNCH - Adobong sitaw



- Dinner - Porksteak


🟪 Aug. 12, 2021 - Day 6


- BFAST - Longsilog




- Nilutuan kame ng nilaga ni tita. 



- LUNCH - Tortang giniling. Late yung dating neto. Ginawa nalang namen meryenda yan.



- DINNER - Totsyong bangus.


🟪 Aug. 13, 2021 - Day 07


- BFAST - Hotsilog sana yan. Kaso nadoble hotdog ko!🤣🤣🤣




- LUNCH - basta manok!



- ayan, may pahipon ulet.





- craving sa donut at sa kape. Nagpa grab ulet. Ang sarap ng watermelon na donut.




- DINNER - monggo kase friday yan!🤣



- tamang ayos lang ng mga gamit. Tumawag samen si Mam Jelly, release na daw namen. Pero sabi sa center bukas pa. So nag ayos muna kame.


🟪 Aug. 14, 2021 - Day 8
Uwian na!


- BFAST - quekiam ata yan tapos nilagang itlog.




- ayan! Waiting nalang sa sundo. Salamat at pauwi na din.



- byahe na pauwi.🙏🙏🙏



- hindi kase siya nadiligan!😢😢😢 ayan ang una kong chineck ng makauwi kame sa bahay.



- Checking pa din ng oxygen level at pulse rate.


🟪 Aug. 19, 2021


- Certificate from brgy, na Covid 19 Positive Recovered na kame.


Mga dapat gawin:
▪ Uminom ng vitaminc c with zinc (Atleast 1000mg a day)
▪ Fruits and veggies
▪ Matulog ng maaga. If hirap magsleep magtake ng melatonin.
▪ Iwasan ang sisihan. Kase andyan na yan, kahit anong ingat ang gawin mo, hindi mo nakikita ang virus.
▪ Positive thinking
▪ Gargle ng Betadine or warm water with salt.
▪ Magsuob 3x a day.
▪ Drink warm water with lemon and ginger.


Eto yung mga tinake namen. Pero syempre magpacheck pa din sa doctor huh. Maaring okey samen, sa inyu ndi.



- Gargle.


- Para sa mahigpit na ubo.




- Vitamin C (1000mg take namen everyday)



- Sleeping Pills



- For some reason, super effective neto. Warm water with Ginger and Lemon. Iba pa rin ang natural remedy!💗💗💗


Our biggest take away sa mga na experience namen: 
▪ God is good. All the time.
▪ Alagaan ang katawan. Healthy food, vitamins, Sleep early. Iwasang magbisyo.
▪ Despite positive yung swab test namen. Manatiling positibo sa buhay. Mabuhay ka ng marangal.
▪ Life is short para mag focus sa mga negatibong  bagay.
▪ Hindi kawalan na nabawasan ka ng mga taong nakapaligid sayo. Ibig sabihin lang nyan, andyan sila sa mga panahon malakas ka at nasa taas. Pero sa panahon na mahina ka ay mga bigla silang naglaho. 


QUESTIONS regarding COVID and VACCINATION.
1.  Since vaccinated na ako, pero nagpositive ako sa covid. Need ko pa daw bang mag pa vaccine ulet? Some say na hindi na daw kailangan. Yung effect daw ng virus would be lessen since protected ako ng vaccine.
2. If nagkaroon ka naman daw ng covid, and gusto mong magpa vaccine. Ang sabi is after 2 weeks of recovery. Yung as in wala ka ng symptoms na nararamdaman. 
▶▶▶ Not expert regarding this matter, tinanong ko lang din yan. If you have any idea, let me know.

_______________

✅✅✅


_______________

HZLNUTZS
Aug. 20, 2021

ANG NAWAWALANG SAINGAN

 ANG NAWAWALANG SAINGAN 10/25/2024 PAALALA : Maaring ito ay base sa tunay na buhay, o maaring kinuha lang ang kwento sa ibang tao. Ikaw na a...